Ice Seguerra excited to become a father: "Let's pray for my eggs."

IMAGE Noel Orsal

Ice Seguerra on becoming a father soon: "I'm excited. I'm excited to take that role."


Sa December 2019 na mangyayari ang pagsasalin ng fertilized embryo kay Liza Diño, kaya naman excited na ang asawa nitong si Ice Seguerra dahil matutupad na ang matagal niyang pangarap na maging ama.

Sasailalim sa in vitro fertilization ang mag-asawa sa pag-asang magkarooon ng minimithing anak.

Kay Ice kukunin ang eggs na pagsasalinan ng semilya ng sperm donor, at si Liza naman ang magdadala nito sa sinapupunan.

Lahad ni Ice, na isang transgender man at unang nakilala bilang Aiza Seguerra, “Nung January, after my first day of my menstruation, I went to the doctor, I started na the injections.

“Yung mga injections na 'to is to stimulate my eggs, kasi the goal is when they harvest my eggs, dapat madami kahit papa'no, huwag lang naman isa.

“Finally, we were able to harvest three good quality eggs.

“So, I’m happy.”

Dapat daw ay sa September 2019 ito mangyayari, ngunit sa dami ng trabaho ni Liza, ayaw ni Ice na ma-stress ang asawa habang ipinagbubuntis ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then after that, usapan namin ni Liza... kasi ang dami talaga niyang trabaho, e.

“Ayaw naman namin na stressed siya 'tapos magbubuntis.

"So, sabi niya, ‘Love, December.’ December ita-transfer sa kanya yung fertilized na embryo.

“Let’s pray for my eggs.”

SPERM DONORS

May dalawa raw pinagpiliang sperm donors mula sa ibang bansa sina Ice at Liza.

Kuwento ni Ice, “So, ganito yung mangyayari nun, that’s the first step, meron nang eggs.

“So, ipi-freeze yung itlog na yun.

"Nakahanap na naman kami ni Liza ng two donors, pinagpipilian lang namin.

“Gusto talaga namin Caucasians… si Superman ang tawag ko sa isa, Boy Pogi [naman sa isa].

“So ayun, pag napili na namin yun, pag nakuha na namin, that’s when the fertilization starts.”

Ang napili raw nila ay ang tinagurian niyang "Superman."

Ito raw ay six-footer, may blue eyes, summa cum laude, musician, at lookalike ng American actor na si Liam Hemsworth (star ng Hunger Games at asawa ni Miley Cyrus).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa local stars naman daw ay biniro ni Ice ang kaibigang si Derek Ramsay para maging sperm donor noong nagkasama sila sa teleserye.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiza sa presscon ng nalalapit nilang pre-Valentine concert ni Nyoy Volante, ang Acoustic Love Journey, na ginanap sa Concha’s Garden restaurant, sa Quezon City, kaninang hapon, January 29.

BASHERS, FATHER ROLE

Ready na ba talagang maging ama si Ice?

Sagot nito, “I’m excited. I’m excited to take that role.”

May netizens na suportado ang kanilang planong magkaanak, pero hindi pa rin talaga maiiwasang may bashers.

Ipinagkibit-balikat lamang ito ni Ice.

Saad niya, “Hindi naman sila parte ng buhay namin, so kebs.

"I mean… sabi ko nga kay Liza na, 'Love, people will always bash, not because they feel strongly about it, but just because they want it.'

"And wala na akong magagawa dun. Kebs."

Dun naman sa mga sumusuporta sa kanila, sabi ni Ice, “Yun naman yung natuwa kami. Happy ako because the people we love, support us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More than anything, that matters the most.

“Masaya ako, the industry, you guys are happy, and my parents... both our families are happy, our friends are very happy, very excited.

"So, okay na yun."

ACOUSTIC LOVE JOURNEY

Kakaibang concert naman daw ang pinaghahandaan nina Aiza at Nyoy sa Acoustic Love Journey, na gaganapin sa February 9 sa Palacio de Maynila.

Kakaiba raw ito dahil puro sa mga nagmamahalan ang nakalinya nilang kantahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Arniel Serato


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN