Sylvia Sanchez pleads with some AlDub fans: "Ako na lang patayin niyo."

IMAGE Noel Orsal

Sylvia Sanchez says she has been receiving hurtful words from some AlDub fans since September 2018. "Wala akong inalmusal kung hindi... bawat gising ko, puro mura, puro pambabatikos, puro panlalait sa mga anak ko, sa akin, sa asawa ko, sa buong pamilya."


Nagsalita na si Sylvia Sanchez tungkol sa pagsagot niya sa ilang bashers sa Twitter noong Biyernes, January 24.

Kaugnay ito sa namumuong real-life romance sa pagitan ng anak niyang si Arjo Atayde at ng Kapuso star na si Maine Mendoza.

May ilan kasing fans ng love team nina Maine at Alden Richards—o mas kilala bilang AlDub—ang nagpahayag na hindi sila pabor kay Arjo para kay Maine.

Umabot pa ito sa pamba-bash kay Arjo at sa buong pamilya niya, na inaakusahang ginagamit lang si Maine.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters kay Sylvia sa press conference ng upcoming film niyang Jesusa, ngayong Martes, January 29, ipinaliwanag ng batikang aktres ang naging pagsagot niya sa bashers.

Ngayon lang daw siya magsasalita tungkol dito.

"Ngayon lang ako magsasalita, ito na yun," mahinahong simula ni Sylvia.

"Sobrang mahal ko yung pamilya ko, sobrang mahal ko ang mga anak ko, ang asawa ko, ang buong Atayde family, ang pamilya ko, sobrang mahal ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Since September hanggang last Friday, wala akong inalmusal kung hindi... bawat gising ko, puro mura, puro pambabatikos, puro panlalait sa mga anak ko, sa akin, sa asawa ko, sa buong pamilya."

September 2018 ay namataan na si Arjo na dumalo sa isang solo event ni Maine para sa isang brand endorsement.

October 2018 naman nang makuhaan ng litrato ng isang PEP.ph source na magkasama ang dalawa sa isang restaurant.

Patuloy ng Kapamilya actress, "Basta pinagmumura ako ng kung anu-anong klaseng mura na masasakit, nilalait ang pamilya ko, kung anu-anong ginagawa.

"Tahimik ako, ayokong patulan. Kasi sabi ko, mawawala din yun."

ENOUGH IS ENOUGH

Pagkatapos nito ay ibinahagi ni Sylvia ang naging pagsagot niya sa isang basher.

"Last Friday, merong isang account na tinag ako.

"Ang sabi niya, 'Sylvia Sanchez, ina ka rin, nakikiusap ako na pagsabihan mo si Arjo na tigilan na niya si Maine, nasasaktan ako bilang ina rin ni Maine, bilang ina, durog-durog na si Maine sa sobrang panggagamit ni Arjo.' Ganun yung message.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, sinagot ko yun kasi sinabihan akong nakikiusap ako, ina sa ina.

"Sinabi ko, sige. Ginawa ko, sinagot ko siya.

"Sabi ko, 'O, sige, ina rin ako.'

"Naintindihan ko ang nararamdaman ni Arjo at ni Maine, naiintindihan ko yung nararamdaman ko, kasi binanggit rin yung mommy ni Maine.

"Sabi ko, 'Naiintindihan ko at naiintindihan kita, tara usap tayo. Kita tayo sa isang hotel.'"

Ito ang unang tweet na sinagot ni Sylvia noong nakaraang Biyernes.

Available pa ang tweet ni Sylvia, subalit burado na ang account ng netizen na kanyang sinagot.

Patuloy ng 47-year-old actress, "Noong sinabi ko yun na magkita tayo, noong sinabi ko na mag-usap tayo, totoo yun, galing yun sa puso ko bilang, sabi niya, ina siya.

"Gusto kong makipag-usap din sa kanya bilang ina rin. Sabi ko nga sa kanya, 'Ina sa ina, usap tayo.'

"Hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil manggugulo ako, hindi ako makikipag-usap sa kanya dahil mang-aaway ako. Hindi ako palaaway na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang unang nagsabi sa akin na ina siya. Ina din ako, di ba, dapat nag-uusap nang maayos.

"Ngayon, kung ano man yung sabi ko na dapat pag-usapan ang problema, noong sinabi kong usap tayo, I meant it."


Stories We Are Tracking

Sylvia Sanchez slams bashers accusing Arjo as user
Sylvia Sanchez slams bashers accusing Arjo as user

DEATH THREATS

Ayon kay Sylvia, ang ikinabigat ng kalooban niya ay ang pagbabanta ng ilang fans na papatayin ang kanyang mga anak at asawa.

Dito na nag-umpisang gumaralgal ang boses ni Sylvia at mangilid ang kanyang luha.

Pahayag niya, "Ngayon, gusto ko lang sabihin sa inyo na bukod sa mura, bukod sa panglalait, bukod sa pamba-bash sa aming lahat, nakakita ako ng account na nagsasabi na, 'Patayin si Arjo, patayin natin si Ria, patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.'

"Hindi lang 'yan dalawa, meron pa. At meron pang nag-post diyan na, 'Isang bala ka lang.'

"Pag nakita natin yung nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng Kapamilya actress, di baleng siya na lang ang patayin at huwag na ang kanyang pamilya.

"Ngayon, ako bilang ina, sabihin mo na sa akin lahat ng masasakit na salita, laitin mo na pagkatao ko, halughugin niyo na ang nakaraan ko, sabihin niyong patayin niyo na ako, okay lang.

"Pero mabasa ko yung sasabihin at babantaan yung mga anak ko, tiniis ko lahat since September.

"Bumigay ako noong Friday, last Friday. Ina ako na nagtitimpi, ina ako na nasasaktan para sa mga anak ko.

"Kahit sinong ina na lalaitin ang anak mo, masakit yun. Tiniis ko yun.

"Pero yung makita ko na sabihin ng mga AlDub Nation fans—hindi man lahat kasi naniniwala pa rin ako na merong mga fans ang AlDub na mababait, na good heart, pero meron ding mga bashers talaga."

Nang makiusap siya sa fans na tigilan ang pagbabanta sa buhay ng kanyang mga anak ay tuluyan nang naiyak si Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina, yung pagbabanta niyo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko—ako na lang. Ako na lang.

"Barilin niyo ako, patayin niyo ako, tanggapin niyo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko, ako na lang.

"Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko. Huwag na sila.

"Ako na lang nakikiusap ako, ako na lang patayin niyo. Yun lang."

Nang usisain si Sylvia kung nakausap niya na si Arjo o maging si Maine sa nangyari ay tumanggi na siyang magbigay ng pahayag.

Tumanggi na rin siyang idetalye kung may nangyari nga bang paghaharap sa kanya at sa bashers na kanyang sinagot.

"Basta huwag na nating detalyehin, basta yun lang ang gusto kong sabihin.

"Nagbabanta kayong patayin si Arjo, si Ria, nagbabanta kayong patayin ang asawa ko, ang pamilya ko.

"Nakikiusap ako sa mga tumitira na AlDub Nation, ako na lang patayin niyo, ako na lang na nanay, pero huwag na huwag ang mga anak ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit ngayon, barilin niyo ako, but not my kids, not my husband."


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN