Nicko Falcis details how Lolit Solis involved herself in his battle with Kris Aquino

IMAGE @nix722 / @akosilolitsolis / @krisaquino Instagram

Nicko Falcis (left) lists write-ups of Lolit Solis (center) that put him down and boost Kris Aquino (right) amid the Nicko-Kris battle playing out in the courts and in media.


#KrisAquinovsNickoFalcis

Hindi pinalampas ni Nicko Falcis ang pagtanggi ni Lolit Solis na nagpakalat ito ng mapanirang write-ups tungkol sa kanya.

Si Nicko ang dating endorsement closer/talent agent/managing director ng digital company ni Kris Aquino na Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP).

Nahaharap ngayon sa legal battle sina Kris at Nicko dahil sa sanga-sangang reklamo.

Nadawit na rin sa kontrobersiya si Lolit, isang veteran columnist/talent manager na kilalang kaibigan ni Kris, dahil sa nailathala nitong mga maling impormasyon umano kaugnay ng away nina Kris at Nicko.

Depensa ni Lolit—na mas kilala bilang Manay Lolit sa showbiz—wala siyang matandaang sinabi niyang masama kay Nicko.

Isinusulat lang daw niya ang mga naririnig niyang bali-balita.

Kaya hindi raw niya maintindihan kung bakit nadadamay siya sa awayang Kris at Nicko, ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong January 29.


Stories We Are Tracking

Lolit Solis gets entangled in Kris Vs Nicko battle
Lolit Solis gets entangled in Kris Vs Nicko battle

Kinabukasan, January 30, nagpadala si Nicko ng opisyal na pahayag sa PEP.ph na nagpapakita ng timeline ng tinatawag niyang mapanirang mga write-ups ni Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-uugat raw ito kay Kris, na naglabas ng sunud-sunod na blind items na niloko siya at pinagnakawan ng isang hindi pinangalanang tao.

Una na raw dito ang September 23, 2018 Instagram post ni Kris, na nagbabanggit ng tungkol sa taong sumira ng tiwala niya dahil sa “financial abuse.”

Sinundan ito ng September 25, 2018 post ni Kris, na nagsasabing sobra siyang nasasaktan at natatakot dahil nanganganib mawala ang “tens of tax paid millions from my sons' trust funds.”

Sabi ni Kris, kaugnay pa rin iyon ng panloloko ng taong pinagkatiwalaan niya.

Nakalista sa paglalahad ni Nicko sa PEP.ph:

“SEPT 23 - unnamed in Aquino's IG post ‘i've taken pride in my professionalism, my 100% honesty about financial dealings, and my total respect for endorsement contracts. Xxx

"’In the 6 weeks that I suffered because of financial abuse & betrayal we uncovered being done to me by someone i had complete trust & faith in, xxx’

“SEPT 25 - unnamed in Aquino's IG post in which she wrote ‘Hirap na hirap po ako na may pinagtatakpan sa inyo.’ Xxx

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘My PAIN comes from my fear that tens of tax paid millions from my sons' trust funds...baka mawala lahat ng pinagpaguran ko para sa kanila.’” 


Stories We Are Tracking

Kris betrayed by trusted person over money issues
Kris betrayed by trusted person over money issues
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris Aquino loses weight due to current upheaval
Kris vows to seek justice against unnamed
Kris vows to seek justice against unnamed "financial abuser"

SEPTEMBER 27 BLIND ITEM ON DZBB

Pagkalipas ng dalawang araw, September 27, 2018, umere ang isang blind item sa simultaneous telecast ng Dobol B Sa News TV sa radyo at telebisyon. 

Ang hosts noong araw na iyon ay sina Arnold Clavio, Joel Reyes Zobel, at Ali Sotto.

Sa "Sino" segment ng show, may blind item si Arnold tungkol sa isang sikat na personalidad na biglaang bumaba ang timbang matapos maging biktima ng panloloko.

Habang umeere pa ang programa ay tumawag si Lolit sa istasyon at pinangalanan ang sikat na personalidad sa blind item.

On the air, sinabi ni Lolit na si Kris ito.

Pagkatapos ay pinangalanan din ni Lolit ang sinasabing nanloko kay Kris sa pera.

On the air pa rin, sinabi ni Lolit na si Nicko ito, ang business manager ni Kris. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsaaad ni Nicko sa PEP.ph: “SEPT 27 - On DZBB AM radio and TB program,  during Arnold Clavio's "SINO" Segment with Joel Zobel and Ali Sotto (who, btw, attended 2 years of law school at the Ateneo College of Law), Lolit Solis called and identified Aquino as the celebrity who lost weight due to the betrayal she suffered who Clavio referred to in the blind item, and identified Nicko as the business manager who defrauded Aquino.”

SEPTEMBER 28 POSTS OF LOLIT

Nang sumunod na araw, September 28, 2018, sa dalawang Instagram posts ay nagsulat si Lolit ng tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya ni Kris. 

At press time ay makikita pa ang mga ito sa Instagram account ni Lolit.

Sa unang post, naghayag ng pagtataka si Lolit kung paano nakuhang pagnakawan si Kris gayong kilalang “napakabait niya sa mga staff niya.” 

Ani Lolit sa kanyang post (excerpts published as written): “Mahirap makakita ng boss na mabait...

"Si Kris Aquino nga nakapagtataka na niloko pa eh napakabait niya sa mga staff niya.

"Mahilig siyang magbigay ng bonus and freebies at nakita ko kung paano tratuhin mga taong nagtrabaho sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag sinasayang iyon mga ganun chances ang kawawa iyon nanloko at nang abuso...

”Iyon gumawa saan na mapupunta, sino pa magtitiwala?"

View this post on Instagram

Sa mga Crazy Poor Asians na tulad natin Salve, parang ang laking bagay na may mga tao na nagtitiwala at binibigyan ng tsansa kahit paano na matikman buhay ng Crazy Rich Asians ‘di ba. Tingnan mo iyon PA ni mama Jinkee Pacquiao, isinasama siya kahit saan, pati sa abroad, talagang tiwalang-tiwala sa kanya. Natitikman niya lahat ng luho dahil nga kasama siya. Iyon mga yaya ng celebrity babies tulad ni Scarlet Snow Belo halos buwan-buwan nasa abroad at nakikita ko kung saan kumakain sila Hayden at Dra. Belo dun din sila eat. Pag ganyan ang trato sa iyo, at ganyan ang opportunities dapat hindi sinasayang. Hirap makakita mga boss na mabait. Si Kris Aquino nga nakapagtataka na niloko pa eh napakabait niya sa mga staff niya. Mahilig siyang magbigay ng bonus and freebies at nakita ko kung paano tratuhin mga taong nagtrabaho sa kanya. Pag sinasayang iyon mga ganun chances ang kawawa iyon nanloko at nang abuso, sila Kris at Jinkee tiyak mababalik pa iyon mga ninakaw sa kanila, iyon gumawa saan na mapupunta, sino pa magtitiwala? Hay naku, pag hindi ka marunong talaga sa buhay, ayun, barya lang kuntento ka na, di mo alam kung gaano kalaki nawala sa iyo. @krisaquino @jinkeepacquiao #instatalk #classiclolita #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Ayon kay Nicko, sa post ay hindi tuwirang binanggit ni Lolit ang pangalan niya.

Ngunit sa comments’ section ng post, dalawang netizens ang hinayaan ni Lolit magkomento na si “Nico Falcis” ang tinutukoy na “nanloko at nang abuso” kay Kris.

Pahayag ni Nicko hinggil dito (excerpts published as written): “In the comments, fhelydelfriendl.ru twice replied to persons who commented and identified ‘nix722 o Nico Falcis’

“A certain lhucylhou wrote ‘@terrylann tama nakakahiya mga bading pala yan cla magkapatid?bakit ganun magnanakaw pala...pati pa namn may ari ng potato corner trusted dn cya for aure nw ng auaudit na cla dhil sa nangyare kay Ms. Kris...’”

Sa ikalawang post ni Lolit noon pa ring September 28, idinetalye na niyang ayon sa kanyang unnamed source ay galing sa “edukadong pamilya” ang taong nanloko kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa sa isang bahagi ng caption ni Lolit: “At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera."

Dito rin inilabas ni Lolit ang tungkol sa isang aktor na pinopondohan daw ni Nicko (excerpts published as written): “May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa , at baka fall guy na lang ang pinagbintangan nagnakaw o nagtakbo ng pera.

“Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung tutoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan...”

View this post on Instagram

Isang nakakakilala sa taong nanloko kay Kris Aquino ang shocked na shocked Salve sa nangyari. According sa taong ito, iyon daw nanloko kay Kris ay isang learned person na galing sa isang edukadong pamilya na may kaya kaya ‘di siya nakapaniwala na nagawa ito ng taong iyon. At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera. May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa , at baka fall guy na lang ang pinagbintangan nagnakaw o nagtakbo ng pera. Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung tutoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan, kawawa ka naman, basta ikaw pumasok, mahirap ng lumabas. Buti na lang gurang na ako ng ma in love kay Jo In-sung, kundi hitsura bilhin ko siya para mapunta sa akin hah hah ilusyon to the max. #instatalk #classiclolita #71naako ??

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Reklamo ni Nicko, may ilang netizens ang muling nagtukoy sa kanya sa post na iyon ni Lolit, at hinayaan muli ni Lolit manatiling ganoon ang comments.

Lahad ni Nicko: “In the comments, rick7928 wrote ‘@little_princediana niko falcis’

“rryche_roro wrote ‘@rosel.dy nicko falcis@nix722...’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OCTOBER 1 POST OF LOLIT

Hanggang sa direktang pinangalanan na ni Lolit na si "Nico Falcis" ang kaaway ni Kris.

Base ito sa Instagram post ni Lolit na may petsang October 1, 2018.

Naka-tag ang isang hotel sa Bangkok, Thailand, bilang lokasyon noon ng beteranang columnist/talent manager.

Kasabay nito ay inilabas ni Lolit ang nakalap daw niyang bagong impormasyon tungkol sa motibo ni Nicko sa pagnanakaw umano kay Kris.

Isa raw "anak ng bilyonaryo" sa Thailand, na may-ari ng isang franchise ng Potato Corner, ang nag-udyok kay Nicko upang lokohin si Kris.

Sabi ni Lolit sa isang bahagi ng kanyang post: "Ang pogi raw ng isang Thai na bumili ng franchice ng Potato Corner at anak ng bilyonaryo dito sa Thailand.

"Ito ang parang pinalalabas na 'side story' sa mala-teleserye na naganap between Kris Aquino at Nico Falcis. Ang guy daw ang dahilan kung bakit nagawa ang naganap na pangyayari.

"Baka daw iyon ang dahilan para 'matukso' ang isang may pinag-aralan at may kaya naman na financial consultant...

"At guwapo nga ang guy na ang tawag ng mga Pilipino sa Bangkok ay Daniel Padilla ng Thailand."

May pambawi naman si Lolit (excerpts published as written): "Bongga ang teleserye ni Kris at Nico may foreign casting , hah hah.

"Joke lang pero ang wish ko sana lumabas na ang totoo dahil kawawa naman ang biktima. Si Kris? Si Nico? iyon Thai? iyon accountant? Sino?"

Pero sa parehong post, nagawa nang ikalat ni Lolit ang panibagong tsismis na may pinopondohang boyfriend si Nicko kaya raw nakapagnakawan nito si Kris. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
View this post on Instagram

Ang pogi raw ng isang Thai na bumili ng franchice ng Potato Corner at anak ng bilyonaryo dito sa Thailand. Ito ang parang pinalalabas na 'side story' sa mala-teleserye na naganap between Kris Aquino at Nico Falcis. Ang guy daw ang dahilan kung bakit nagawa ang naganap na pangyayari. Baka daw iyon ang dahilan para 'matukso' ang isang may pinag-aralan at may kaya naman na financial consultant. Pero ang twist ng story, paano ka gagasta sa anak ng isang bilyonaryo? Saka anak ng bilyonaryo huhuthutan ka? Parami na nang parami ang twist ng teleserye ha. At guwapo nga ang guy na ang tawag ng mga Pilipino sa Bangkok ay Daniel Padilla ng Thailand. Bongga ang teleserye ni Kris st Nico may foreign casting , hah hah. Joke lang pero ang wish ko sana lumabas ang totoo dito dahil kawawa naman ang biktima. Si Kris? si Nico? Iyon thai ? Iyon accountant? Sino? #instatalk #classiclolita #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sina Kris at Nicko ay magkasosyo sa food business na Potato Corner+Nacho Bimby.

Una silang naging business partners noong 2016. 

Noong 2017 hanggang September 2018, kinuha ni Kris si Nicko bilang endorsement closer, talent agent, at managing director ng KCAP.

September 18, 2018 nang tuluyang naghiwalay ang landas ng dalawa.

OCTOBER 2 POST OF LOLIT

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Nicko sa PEP.ph, inalmahan niya ang isa pang post ni Lolit na may petsang October 2, 2018.

Dito ay makikitang nagpakuha ng litrato si Lolit sa isang Potato Corner food stall sa Bangkok.

Binanggit ni Lolit ang pagiging magkasosyo nina Kris at Nicko sa naturang food business at sa Snail White beauty products.

Dahil umano sa negosyo nina Kris at Nicko sa Thailand, kalat sa "community" doon ang kinasasangkutang kontrobersiya ng mga ito.

Dagdag pa ni Lolit sa kanyang post (excerpts published as written): "At actually, balita na nandito sa Bangkok ng ilang araw si Nico. Bongga ‘di ba!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hah hah, pero siyempre wah ako sali sa usapan dahil ‘di ko naman alam ang pangyayari, alam ko lang nawalan ng milyun-milyon si Kris at may kinalaman sa isyu Nico.

"Actually ang gusto ko ma-meet iyon pogi na anak ng milyonaryo na guwapo daw at Daniel Padilla ng Thailand. Siya ang type ko makita, hah hah. #instatalk #classiclolita #71naako"

View this post on Instagram

Talagang kahit saan hindi mo matakasan ang intriga, Salve. Imagine ng nasa Bangkok tayo, number one topic ang Kris Aquino/Nico Falcis issue. At bongga, iyon Snail White beauty product na pinasok nila Kris at Nico sa Bangkok ha, one of the fast selling product ito. Bongga din iyon Potato Corner na franchise na na-close nila ang deal sa Thailand, kaya kalat sa community doon ang nagaganap na pangyayari dito sa Pinas. At actually, balita na nandito sa Bangkok ng ilang araw si Nico. Bongga ‘di ba! Hah hah, pero siyempre wah ako sali sa usapan dahil ‘di ko naman alam ang pangyayari, alam ko lang nawalan ng milyun-milyon si Kris at may kinalaman sa isyu Nico. Actually ang gusto ko ma-meet iyon pogi na anak ng milyonaryo na guwapo daw at Daniel Padilla ng Thailand. Siya ang type ko makita, hah hah. #instatalk #classiclolita #71naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

KRIS FILES FORMAL COMPLAINT

Lumipas ang 20 araw mula nang unang mag-post si Kris sa Instagram tungkol sa pinagdadaanan nitong hirap dahil daw sa taong nanloko rito.

October 12, 2018, pormal nang nagsampa ang kampo ni Kris ng reklamong 44 counts of qualified theft laban sa isang respondent na hindi pinangalanan sa publiko.

Diumano, gumasta ang respondent ng PHP1.2M para sa personal expenses nito gamit ang credit card na nakalaan sa pagpapatakbo ng KCAP.

Wala raw iyong pahintulot ni Kris.

Isinumite ang legal na reklamo ng mga abugado ni Kris sa Office of The Prosecutor sa pitong siyudad sa Metro Manila—kabilang ang Quezon City, Mandaluyong, San Juan, Pasig, Taguig, Makati, at Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong araw ding iyon, personal na nagtungo si Kris sa Office of The Prosecutor ng Quezon City upang panumpaan ang isinumite niyang Complaint Affidavit doon.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino names Nicko Falcis in theft complaint
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"

NICKO'S CAMP FIGHTS BACK

Sa pagtatala ni Nicko, pinangalanan siya ni Kris bilang kalaban nito sa legal complaint noong November 14, 2018.

Ani Nicko sa pinadala nitong mensahe sa PEP.ph: "NOV. 14, 2018, Aquino identified Nicko as the defendant in the complaint-affidavit filed in October 2018."

Sumatotal, 54 days na tikom ang bibig ni Nicko hinggil sa sigalot nila ni Kris.

Hanggang sa nang umaga ng November 15, 2018, binasag ng kampo ni Nicko ang katahimikan.

Lumantad ang kanyang nakababatang kapatid at spokesperson ng pamilya Falcis, na si Atty. Jesus "Jess" Falcis, sa piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph.

Mariing pinabulaanan ni Atty. Jess ang akusasyong pinagnakawan si Kris ng kanyang kuya.

Aniya, mga "representation expenses" bilang pinuno ng KCAP at hindi nakaw ang mga ginastos ni Nicko gamit ang KCAP credit card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa presscon ding iyon unang ibinunyag ni Atty. Jess na nasa Thailand si Nicko at hindi makauwi ng Pilipinas, dahil sa diumano'y pagbabanta ni Kris sa buhay nito.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino to Nicko Falcis:
Kris Aquino to Nicko Falcis: "YOU WILL BE DEAD"
Nicko Falcis to Kris Aquino:
Nicko Falcis to Kris Aquino: "There's nothing stolen."
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint
Nicko Falcis asks for dismissal of Kris Aquino complaint

Kinahapunan ng araw ding iyon, November 15, humarap naman si Kris sa ilang entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph.

Ito ay matapos personal na nagtungo si Kris sa Office of The Prosecutor sa Mandaluyong, upang panumpaan ang kanyang Complaint Affidavit na naka-file roon.

Dito ay nanindigan si Kris na pinagnakawan siya ni Nicko.

Nang tanungin kung pinagbantaan nga ba niya si Nicko, hindi ito sinagot ni Kris, liban sa balik-tanong na "Sinong nagsabi?"


Stories We Are Tracking

Kris Aquino on threatening Nicko Falcis:
Kris Aquino on threatening Nicko Falcis: "Sino nagsabi?"
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris Aquino, Nicko Falcis take word war to social media
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris challenges Nicko to file grave threat rap against her
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel
Kris Aquino sues Atty. Jesus Falcis for cyberlibel

Nananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN