Joem Bascon plans to marry longtime partner this year

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @crishauy on Instagram

Joem Bascon on marrying longtime partner Crisha Uy: "Nasa isip na yun, siyempre hindi naman na ako bumabata, e. Iniisip ko na talaga, di naman mag-settle down, it's more of siguro ito na yung time na para sa amin namang dalawa, na maging masaya kami, magkaka-baby kami, magkaroon kami ng family, and at the same time magwu-work pa rin ako."


Walong taon na ang relasyon ni Joem Bascon, 32, sa girlfriend niyang YouTuber na si Crisha Uy, 30.

Sa loob ng nasabing panahon, limang taon silang nagli-live in.

Bakit hindi pa sila nagpakasal noon?

Nakangiting sagot ng Kapamilya actor, “Kailangan ko munang pag-ipunan.

“Kaya nga ako may work kaagad ngayon for the year, e, kailangan kong mag-ipon.”

Matagal na raw balak ni Joem na gawing pormal ang kanilang pagsasama ng partner.

“Nasa isip na yun, siyempre hindi naman na ako bumabata, e.

“Iniisip ko, na talaga, di naman mag-settle down, it's more of siguro ito na yung time na para sa amin namang dalawa, na maging masaya kami, magkaka-baby kami, magkaroon kami ng family, and at the same time magwu-work pa rin ako.

“Nag-jibe lang kami, ayun, nagsama kami, and okay naman.

"I’m very happy na ganun yung set-up namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joem sa set visit ng ginagawa nitong pelikula under TBA Studios, ang Write About Love, kagabi January, 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama niya rito sina Yeng Constantino, Miles Ocampo, at Rocco Nacino.

UPGRADING THE RELATIONSHIP

Ayon pa kay Joem, masaya sila ni Crisha sa araw-araw na itinatakbo ng kanilang buhay.

Kaya naman, baka ngayong taon na mangyari ang pinakahihintay nilang pagpapakasal.

Saad ng aktor, “Siguro, i-upgrade na namin ito into a family, kasal, yun.

“Siyempre, ngayong taon na yun.

“Sana po, hopefully. Nakilala na naman lahat ng sides ng family ko, side ng family niya.

“Basically, ito na yung right time, age na for both of us.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN