Kinondena ni Sam Concepcion ang pambabatikos at pagmumura sa kanya ng isang netizen dahil sa pagiging malapit niya kay Nadine Lustre.
Ito ay matapos makunan ng litrato sina Sam, Nadine, at Marco Gumbao sa isang event ng kinabibilangan nilang talent management, ang Viva Artists Agency.
Isang netizen ang nag-repost ng cropped photo nina Sam at Nadine, pero tinakpan ng frowning emoji ang mukha ng singer-actor.
Sabi ng netizen na may Twitter handle na @jadinenyl: "kahit saan si nadine sisingit talaga ang p******** hambog @sam_concepcion."
Hindi pinalampas ni Sam ang pambabastos sa kanya ng netizen.
Buwelta niya, walang karapatan ang netizen na murahin siya dahil lang sa pagiging magkaibigan nila ni Nadine.
Your language is distasteful and you put an emoji on my face which is pretty rude.. think about that.
— Sam Concepcion (@sam_concepcion) January 31, 2019
Nangatuwiran ang netizen na hindi niya gusto si Sam.
Balik-sagot ulit ng singer-actor:
That’s fine. :) just don’t go around cussing and calling people names. It’s rude and disrespectful. Take care of yourself
— Sam Concepcion (@sam_concepcion) January 31, 2019
Nanindigan din si Sam na hindi niya hahayaang maapektuhan ang pagiging magkaibigan nila ni Nadine dahil lang sa disgusto ng ibang tao.
Si Sam ay malapit ding kaibigan ng boyfriend ni Nadine na si James Reid.
Madalas ding magkaroon ng collaboration ang tatlo dahil sa kanilang hilig sa musika.
And I will keep doing my job that I love and be friends with my friends. :)
— Sam Concepcion (@sam_concepcion) January 31, 2019
Umapela si Sam sa iba pang netizens na sana ay tigilan ang bashing sa social media.
Words are powerful. Use it for good
— Sam Concepcion (@sam_concepcion) January 31, 2019
Adopt some moral responsibility online. Rudeness was never ok in real conversation. Social media doesn’t make it ok.
— Sam Concepcion (@sam_concepcion) January 31, 2019