Gabby Eigenmann on half-sister Andi Eigenmann's pregnancy: "Don't forget that we love you no matter what."

IMAGE Noel Orsal

Gabby Eigenmann is happy for his half-sister Andi Eigenmann, who is currently pregnant with her boyfriend Philmar Alipayo's baby.


Isa sa mga very protective sa kanyang kapatid na si Andi Eigenmann, 28, noong una itong nagbuntis ay ang kanyang half-brother na si Gabby Eigenmann, 40.

Magkapatid sa ama sina Andi at Gabby na parehong anak ng namayapang batikang aktor na si Mark Gil.

Halos hindi malapitan ng media noon si Andi kapag nasa public events dahil hinaharang ni Gabby ang mga reporters na gustong makapanayam ang kapatid.

Si Jake Ejercito ang ama ng unang anak ni Andi na si Ellie Eigenmann, 7.

Ngayong buntis na muli si Andi sa ikalawang pagkakataon sa boyfriend nitong surfer na si Philmar Alipayo, ano ang nararamdaman ni Gabby?

Tugon ng Kapuso actor, “Well, I’m in no position to talk because it’s not my story to tell.”

READ Meet Philmar Alipayo, Andi Eigenmann's surfing champ boyfriend

Sa ginawang pag-anunsiyo ni Andi na siya ay nagdadalantao, sinabi niyang masaya siya sa kanyang buhay kasama sina Ellie at Philmar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Gabby tungkol sa sinabing ito ng nakababatang kapatid?

Sagot ng aktor, “That’s good. Kami naman, for whatever decisions that they make, especially sa lahat ng mga miyembro ng pamilya, we’ll always support each other no matter what.”

May maiksi namang mensahe si Gabby sa kanyang half-sister.

Saad niya para kay Andi, “We’re always with her, don’t forget that we love you no matter what.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby bago nagsimula ang grand media conference ng Inagaw Na Bituin kagabi, February 1, sa GMA Network Center.

Pinagbibidahan ang serye nina Kyline Alcantara, Renz Valerio, Manolo Pedrosa, at Therese Malvar.

Bukod kay Gabby, kasama rin nila sa series sina Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Jackie Lou Blanco, Patricia Tumulak, Sunshine Dizon, at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Ipapalabas na ang nasabing teleserye sa darating na February 11, sa GMA Afternoon Prime, sa direksiyon ni Mark Reyes.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN