Rodjun and Rayver Cruz's mother passes away

IMAGE Rodjun Cruz Instagram

Melody "Beth" Cruz, mother of Kapuso stars Rodjun and Rayver Cuz, passed away Saturday morning, February 2.


Nagluluksa ang magkapatid na Rodjun at Rayver Cruz dahil sa pagpanaw ng kanilang ina na si Melody "Beth" Cruz nitong Sabado ng umaga, February 2.

Isang malapit kay Rodjun ang nagsabing binawian ng buhay sa isang ospital ang ina ng Cruz brothers.

Pancreatic cancer ang karamdaman ni Mommy Beth at mabilis ang pangyayari dahil nakaramdam lamang siya ng pananakit ng tiyan nang magbakasyon sa Singapore.

View this post on Instagram

Happy New Year!!!??????????????_????????

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Malapit na malapit si Rodjun sa kanyang ina kaya mula nang ma-diagnose ang sakit nito, hindi na siya tumatanggap ng mga overnight at out-of town-show para makasama at maalagaan niya ang ina.

Marami ang nalungkot nang mabasa nila ang Instagram posts nina Rodjun at Rayver tungkol sa paglisan ng kanilang ina.

Mensahe ni Rodjun para sa yumaong ina: "Mama maraming salamat sa mahigpit na yakap ilang araw bago ka kinuha ni Lord kanina. Sobrang mahal na mahal kita at alam ko na alam mo yun. You fought a good fight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang tapang mo at hanggang dulo lumaban ka dahil sa sobrang pagmamahal mo sa amin tatlong magkakapatid. Grabe Ka Mama. Salamat!

"Sobra ang faith mo kay Lord. Everyday kang nananalig at nagdadasal sa kanya kahit na nabigla tayong lahat sa pangyayari na may pancreatic cancer ka.

"Sobrang sakit at hirap tanggapin na hindi na kita mayayakap, mahahalikan araw-araw at maririnig ang malambing mong boses at makikita ang ngiti mo na nakakapawi ng kahit anong problema.

"Pero kailangan namin tatagan ang loob naming magkakapatid dahil alam ko na Sobrang saya ka na ngayon sa Heaven kapiling ni Lord God. Wala ng pain.

"Alam ko na mag- e-enjoy ka dun kumanta at sumayaw kasama ang mga angels. Love you so much Mama!!!"

View this post on Instagram

Mama maraming salamat sa mahigpit na yakap ilang araw bago ka kinuha ni Lord kanina. Sobrang mahal na mahal kita at alam ko na alam mo yun. You fought a good fight. Ang tapang mo at hanggang dulo lumaban ka dahil sa sobrang pagmamahal mo samin tatlong magkakapatid. Grabe Ka Mama. Salamat! Sobra ang Faith mo kay Lord. Everyday kang nananalig at nagdadasal sa kanya kahit na nabigla tayong lahat sa pangyayari na may pancreatic cancer Ka. Sobrang sakit at hirap tanggapin na hindi na kita mayayakap, mahahalikan araw-araw at maririnig ang malambing mong boses at makikita ang ngiti mo na nakakapawi ng kahit anong problema. Pero kailangan namin tatagan ang loob naming magkakapatid dahil alam ko na Sobrang saya ka na ngayon sa Heaven kapiling ni Lord God. Wala ng Pain. Alam ko na mag eenjoy ka dun Kumanta at sumayaw kasama ang mga Angels. Love you so much Mama!!!??????????

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Ito naman ang madamdaming mensahe ni Rayver para sa pinakamamahal na ina: "Parang panaginip lang ang lahat na sana pag gising ko ikaw agad ang makikita ko na masaya, masigla, at Punong puno ng ligaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napaka Hirap sa pakiramdam, ndi ko alam ang gagawin ko dahil ngayon palang miss na miss na kita..

"Bilib ako sayo mama lumaban ka ng husto para sa aming tatlo at kahit sa kahuli hulihan kami paring mga anak mo ang iniisip mo.

"Maraming salamat sa lahat mama ngayon ay makakapahinga ka na sa isang napakagandang lugar kung saan ay pede kang sumayaw At kumanta kasama ang mga anghel At ang ating Panginoong Diyos.

"Mahal na Mahal kita mama palagi kang mananatili sa puso at isipan ko kahit na anong mangyari, Paalam aming Reyna."

Ang pamangkin ni Mommy Beth na si Lawrence "Wowie" Cruz, kapatid ni Sheryl Cruz, ang isa sa mga unang nagbalita tungkol sa pagpanaw ng nanay nina Rodjun at Rayver.

Mensahe ni Wowie para sa kanyang pumanaw na tiya: "To my loving Tita Melody Beth Cruz, thank you very much for touching my life.. when I was down and out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You welcomed me in your home when I did not have a place to stay in. When we see each other you always cheer me up with your praises and confident build up for me. I will miss you. Now you are in a better place in heaven with lolo, lola, papa and uncle Dan. Please watch over us in heaven. I love you!!!”

At press time, hindi pa sinasabi ng mga naulila ni Mommy Beth ang kumpletong detalye tungkol sa burol ng kanyang mga labi.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN