Marco Gallo admits past relationship with Juliana Gomez

IMAGE Anthea Bueno and April Tanhueco on Instagram

Marco Gallo on breakup with Juliana Gomez: "It was parang we preferred to be matured and not fight over it. Kasi there's bigger stuff going on at that time, na we both said that na, 'Siguro it's not the time.'"


Inamin ng former Pinoy Big Brother 7 teen housemate na si Marco Gallo na nagkaroon sila ng relasyon ni Juliana Gomez, anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.

Sinabi rin ng 18-year-old Filipino-Italian actor ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila ni Juliana, 18, na tapusin ang kanilang relasyon.

Kagabi, February 2, sumalang si Marco sa interview sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Sa isang bahagi ng programa ay ilang kasamahan ni Marco sa industriya ang nagtanong sa kanya sa pamamagitan ng video clip.

Isa sa mga nagtanong ay ang PBB 7 Big Winner na si Maymay Entrata: May nililigawan ba siya ngayon?

Sagot ni Marco, "Wala po. Focus on my work now.

"Kung sakali ma-fall ako ulit and then..."

Pinutol ni Boy ang sasabihin ni Marco at inusisa ito: "Ma-fall ka ulit... kanino ka na-fall dati?"

Sagot ng ex-PBB housemate, "Dami... dami."

Nang tanungin kung sinu-sino, dito na nabanggit ni Marco ang pangalan ni Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, "Siguro maybe Juliana, ganun. Parang there was something between us and then I left.

"Siguro it was just not the right time. I just prefer... we both to be friends."

OFFICIAL RELATIONSHIP

Tinanong ni Boy si Marco tungkol sa pagdalaw niya sa bahay nina Juliana at kung sinagot ba siya nito.

Nag-aalangang tugon ni Maco, "Ah... no, we were just mutual... MU [mutual understanding], parang ganun."

Inulit ni Boy ang tanong tungkol sa sinabi ni Marco na may namagitan sa kanila: "So, naging official ba kayo ni Juliana?"

Dito na umamin si Marco sa totoong naging estado ng relasyon nila ni Juliana.

"Yes... parang ganun," mabilis at diretsong sagot niya.

Maririnig naman ang hiyawan sa audience na tila nagulat sa sagot ni Marco.

Ang pag-alis ba ni Marco sa Pilipinas ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Nagkaroon ba sila ng formal breakup?

Saad ni Marco, "Yeah, it was parang we preferred to be matured and not fight over it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi there's bigger stuff going on at that time, na we both said that na, 'Siguro it's not the time.'

"We like each other, pero we're still be friends and still now we talk, parang ganun."

Nagkakausap pa ba sila?

Ayon kay Marco, "Uhmmm... minsan naman po, opo. The last time was not recent, it was starting January [2019], parang ganun."

May balak ba siyang ligawan ulit si Juliana?

"Kapag ginusto ng damdamin ko, bakit hindi?" sagot niya.

Ano ang sinasabi ng damdamin niya ngayon?

"Na kaibigan ko lang siya... opo."

PROM NIGHT

Noong April 2018 ay naging malaking balita ang pagdi-date nina Marco at Juliana sa prom night ng huli na ginanap sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Taguig.

Dito nagsimula ang mga espekulasyon kung may namamagitan ba sa dalawa.

Sa isang panayam ni Marco noong May 2018, sinabi ng binata na hindi pa niya nililigawan si Juliana ngunit inamin niyang may nararamdaman siya para rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong July 2018 ay nagulat ang marami nang nagdesisyon si Marco na bumalik sa Italy at lisanin na nang tuluyan ang showbiz.

Pero nitong January 2019 ay bumalik sa Pilipinas si Marco at nagdesisyong ipagpatuloy ang kanyang showbiz career at dito na manirahan nang permanente.


Stories We Are Tracking

Is Marco Gallo courting Juliana Gomez?
Is Marco Gallo courting Juliana Gomez?
Marco Gallo escorts Juliana Gomez on prom night
Marco Gallo escorts Juliana Gomez on prom night
Marco Gallo returns to Italy; leaves Star Magic
Marco Gallo returns to Italy; leaves Star Magic


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN