Yeng Constantino still gets starstruck by Regine Velasquez

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: @asapofficial on Instagram

Yeng Constantino still feels awkward singing with Asia's Songbird Regine Velasquez: "Kapag siya yung makakasama mo sa isang project, kailangan mong paghandaan ang sarili mo—not just ang taas ng kanta na gagawin mo, kundi dahil kasama mong kakanta yung reyna."


Hanggang ngayon ay parang kinikilabutan pa raw ang Pop Rock Royalty na si Yeng Constantino sa nangyaring duet nila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa ASAP Natin ‘To noong January 27.

Kuwento ng ASAP Natin 'To mainstay at Tawag ng Tanghalan hurado ng It’s Showtime, “Iba talaga si Miss Regine, yun lang ang masasabi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @asapofficial on Instagram

“Kapag siya yung makakasama mo sa isang project, kailangan mong paghandaan ang sarili mo—not just ang taas ng kanta na gagawin mo, kundi dahil kasama mong kakanta yung reyna.

“So, ihahanda mo yung sarili mo kasi yung presence niya, kahit ilang beses mo na siyang nakikita, mai-startstruck ka talaga.

"Kasi, parang si Tito Gary [Valenciano], makikita mo pa lang, parang, ‘Wait lang.’

“Yung feeling mo talaga na titigil ka nang paghinga for two seconds.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @asapofficial on Instagram

Dagdag pa ni Yeng, nag-text siya kaagad kay Regine pagkatapos ng kanilang production number dahil feeling niya ay naging awkward ang kanyang performance.

“After nung prod namin, nag-message ako kay Miss Reg, ‘Miss Reg, pasensiya ka na, sobrang awkward po,’ kasi hindi ko ma-handle yung presensiya niya.

“Para akong bulate na inasinan. Starstruck talaga, e.

“Iba yung Miss Regine na nakikita mo sa TV, iba yung Miss Regine na makasama mong kumanta.

“Ano talaga, may kuryente talaga, she’s really a superstar.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Courtesy: @asapofficial on Instagram

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa set visit ng pelikulang Write About Love noong Huwebes, January 31.

Ang Write About Love ay mula sa TBA Studios kung saan makakasama rin ng singer-composer sina Joem Bascon, Miles Ocampo, at Rocco Nacino.

 IMAGE Noel Orsal


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN