Nicko and Jess Falcis's sister says to Kris Aquino: "Napaka-peke mong tao."

IMAGE Noel Orsal / Jesus Falcis Instagram

Charlene Falcis (right) to Kris Aquino (left): "Someday, all this pain you are inflicting to me and my family, will come back to you a hundredfold."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Hindi na napigilang maglabas ng disgusto kay Kris Aquino ang kapatid nina Nicko at Jess Falcis na si Charlene Falcis.

Ito ay matapos maglabas ng panibagong posts at videos si Kris na tila naka-recover na sa mga mabibigat na problemang kalusugan.

Noong January 27 at 31, magkakasunod na mga open letter ang inilabas ni Charlene sa kanyang Facebook account.

Sa unang post ng January 27, pinuna ni Charlene ang mabilisang pagsigla ni Kris mula sa iba’t ibang karamdaman.

Habang noon lamang daw January 3, sa Facebook at YouTube live presscon ni Kris, ay inanunsiyo nitong mayroon siyang iba-ibang klaseng allergies at may sintomas pa siya ng nakamamatay na lupus.

Sa pagkakataon ding iyon, humiling si Kris sa Panginoon ng pitong-taóng palugit pa sa kanyang buhay, hanggang sa maging mature raw ang bunsong anak na si Bimby at maalagaan nito ang kapatid na si Josh.

Si Bimby ay anak ni Kris sa dating asawang basketbolistang si James Yap, habang si Josh ay anak ng aktres/endorser/web star sa aktor na si Phillip Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris to Nicko:
Kris to Nicko: "Harapin mo naman lahat ng kaso mo."

Pag-aalinlangan ni Charlene, bakit tila ang bilis naman gumaling ni Kris mula sa kasasabi lang nitong mga malulubhang karamdaman niya?

Ayon pa sa kapatid nina Nicko at Atty. Jess, walang pinagkatandaan si Kris, na magdiriwang ng ika-48 na kaarawan sa February 14.

Narito ang buong post ni Charlene (published as is):

“Madame Kris Aquino,

“Now you seem to be in better health. Nag-Ninang ka sa kasal ng anak ni Fortun. Nag-dedecluttering ng mga gamit mo. Bumati ka sa birthday ng nanay mo saying you are trying to be the best mom that you can be. MAGING MABUTI KA NAMANG TAO.

“Admit the fact that NICKO, MY BROTHER, DID NOT STEAL ANYTHING FROM YOU. YOU FILED BASELESS CASES because you can’t handle people leaving you.

“THERE IS NO QUALIFIED THEFT, NOTHING WAS STOLEN. ALL THE ELEMENTS OF QUALIFIED THEFT ARE CLEARLY ABSENT.

“Case in Point: HONGKONG Expenses

“P551,700.59 are all HONGKONG Expenses to produce a series of your online webisodes (5Part Series of Sponsored Webisode for Cathay Pacific and Marco Polo Hotel and 2 Webisodes of IFLIX Live Life with Kris). These expenses that are almost half (50%) of your P1.2M combined charges are mostly Plane Tickets and Hotel Accommodations for your 17-man entourage. You and the rest of the entourage ate in all the restaurants mentioned, particularly Cheesecake Factory and Delicious Kitchen -- as seen in your webisodes. The rest are working meals with 'resibos.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“STOP YOUR SPOILED ROTTEN BRATTY ATTITUDE. You are turning 48 YO and wala ka pa rin pinagkatandaan.

“No more bullying, we will end this #Krisis as we continue to reveal the truth.”

CHARLENE TO KRIS: "NO OUNCE OF INTEGRITY"

Sa post naman niya noong January 31, tinawag ni Charlene na "peke" at "walang integridad" si Kris.

Sapantaha ni Charlene, baka namumuhay sa isang napakalungkot na kapaligiran ang social media star.

Pinaalalahanan din ito ni Charlene na kung may mangyaring masama sa kanyang ina ay pananagutin niya si Kris.

Narito ang buong post ni Charlene (published as is):

“Kris Aquino,

“You’re back to your normal self. Where is the suffering disease-stricken mother persecuting my brothers? It pains me to see you in your show biz mode again while my mom suffers everyday thinking about the BASELESS CASES you filed against Nicko.

“Tawa tawa ka na ulit. Napaka-peke mong tao. Grabe ka mag power tripping, no ounce of integrity to stand up for what is right.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“You must be living a sad lonely solitary life, with heart full of anger and revenge. If something happens to my mother, I will hold you accountable.

“Someday, all this pain you are inflicting to me and my family, will come back to you a hundredfold.”

KRIS CAMP: "WE WILL NOT BE DRAGGED INTO A TRIAL BY PUBLICITY"

Kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ng kampo ni Kris, sa pamamagitan ni Atty. Ricky dela Cruz ng Divina Law.

Ito ang kanilang sagot:

"Our response has been consistent. The Falcis siblings want to litigate the cases filed against them thru social media. That is their right. But we will not be dragged into a trial by publicity.

"Nagsampa kami ng mga kaso. Sagutin nila sa fiscal at sa korte. Dun ang litigation.

"Walang saysay na paulit-ulit nilang pino-post sa fb na inosente sila at dun nila pinapaliwanag ang kanilang mga depensa. Para saan yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Intayin na lang natin ang decision sa mga kaso para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN