Angelica Panganiban on friendly terms with Carlo Aquino after issue with fans

IMAGE @officialnadiam / @vaughnic Instagram

Angelica Panganiban and Carlo Aquino are seen being friendly again with each other, just weeks after she said she would keep her distance from her ex-boyfriend.


Tila humupa na ang pagnanais ni Angelica Panganiban, 32, na dumistansiya sa ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino, 33.

Ito ay makalipas ang 24 araw mula nang i-unfollow ni Angelica si Carlo sa Instagram.

Noong January 9, boluntaryong umiwas si Angelica kay Carlo dahil dismayado ang aktres sa pambabatikos sa kanya ng ilang fans ng aktor.

May ilan kasing netizens ang nagsabing "nadedehado" si Carlo sa tuwing nagpu-post si Angelica ng sweet photos nila ng aktor. 

Hindi raw maiwasang makuwestiyon ang sinseridad ng binata dahil sa madalang ito mag-post ng litrato nila ni Angelica sa Instagram.

ANGELICA'S FEBRUARY 2 POST

Pero nitong February 2, nag-post si Angelica sa Instagram ng group photo nila ng co-stars niya sa ABS-CBN daytime series na Playhouse.

Makikitang kasama sa litrato si Carlo, na gumaganap na love interest ni Angelica sa istorya, at si Zanjoe Marudo, na siyang leading man ng aktres sa programa.

Naroon din sina Isabelle Daza, Maxene Magalona, at Ivan Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simpleng caption ni Angelica, "We Frendz ‘yo."

Kapansin-pansing burado na rin ang January 9 post ni Angelica sa Instagram tungkol sa pambabatikos sa kanya ng ilang fans ni Carlo.

ANOTHER GROUP PHOTO

Ngayong Huwebes, February 7, nag-post ng group photo ang isa pang Playhouse co-star ni Angelica na si Nadia Montenegro.

Dito ay makikitang nakaupo sa head of the table si Carlo, habang si Angelica ay nakaupo sa gawing kanan ng binata.

Naroon din ang iba pang cast members ng show.

Ikinatuwa ng ilang CarGel fans ang makitang tila kumportable sina Angelica at Carlo sa pakikitungo nila sa isa't isa.

View this post on Instagram

?????? @playhouseph @iamangelicap @onlyzanjoemarudo @jose_liwanag @kissesdelavin @smokey_manaloto @donny @kean

A post shared by Nadia montenegro (@officialnadiam) on

VESPA ENCOUNTER

Lalo na nang kumalat ang dalawang videos kung saan makikitang sandaling nag-usap ang dalawa bago umalis ng set si Carlo.

Base sa nailathalang video sa fan account ng CarGel, nagtungo sa parking area si Carlo kung saan nakaparada ang Vespa motorcycle nito.

Naroon din si Angelica na biglang sumakay sa motor ni Carlo out of curiosity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang tine-testing ni Angelica ang kunwa'y pagpapaandar ng motor ay hinawakan pa ni Carlo ang mukha at buhok ng aktres. 

Maya-maya pa ay bumaba na rin si Angelica na mukhang natuwa sa mode of transportation ng aktor.

Tila kaswal lang na nagpaalam ang dalawa sa isa't isa.

Tanging kay Nadia lang humalik si Carlo bago umalis ng set.

CARGEL FANS REACT

Ang siste, marami sa CarGel fans ang umasang magkakamabutihan ang dalawa mula nang manumbalik ang tambalan nina Carlo at Angelica sa pelikulang Exes Baggage noong September 2018.

Madalas ding mag-post ng kilig photos at videos ang dalawa sa kani-kanilang Instagram accounts, at ang pinakahuli ay nang magdiwang ng Pasko si Carlo sa bahay ni Angelica.


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino
Angelica Panganiban posts sweet photo with Carlo Aquino
Angelica has kilig statement on Christmas photo with Carlo
Angelica has kilig statement on Christmas photo with Carlo
Carlo Aquino posts PDA photo with Angelica Panganiban
Carlo Aquino posts PDA photo with Angelica Panganiban
Angelica posts sweet message for Carlo:
Angelica posts sweet message for Carlo: "Mahal kita."

Pero pagpasok ng 2019, bukod sa boluntaryong dumistansya si Angelica kay Carlo ay nasipat din ang litrato kung saan ang aktor na may kasamang non-showbiz girl sa La Union.

Hindi malinaw kung sino ang non-showbiz girl na iyon sa buhay ni Carlo dahil hindi nagbigay ng anumang pahayag ang binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon, tila sapat na sa ibang CarGel fans na makitang maayos ang turingan nina Carlo at Angelica off cam.

Narito ang comments ng ilang netizens:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Angelica Panganiban ponders what to do when things go awry
Angelica Panganiban ponders what to do when things go awry
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica accuses netizens of ruining relationship with Carlo
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram
Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN