Maja Salvador reveals strong bond with Gary Valenciano: "Blessing talaga si Tito Gary sa akin."

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador cries recalling the time when her mentor Gary Valenciano underwent open heart surgery and battled kidney cancer: "Hindi ko kayang makitang mahina yung mga taong mahal ko, lalo na kung sila yung nagbibigay ng inspirasyon sa akin."


Napaiyak si Maja Salvador, 30, nang maalala ang pinagdaanang pagsubok sa kalusugan ng kanyang iniidolo at mentor na si Gary Valenciano, 54.

Noong mid-2018 ay sumailalim sa open heart surgery ang batikang performer at matapos ito ay na-diagnose naman siyang may kidney cancer.

Inamin ni Maja na hindi siya nakabisita kay Gary nang ma-ospital ito.

Balik-tanaw ng actress-dancer: "And then nangyari yung may health challenge si Tito Gary. 'Tapos yung buong World of Dance staff, dadalawin si Tito Gary.

"Hindi ko masabi straight sa kanila na hindi ko kaya makitang mahina si Tito Gary.

"Ganun kasi ako, hindi ko kayang makitang mahina yung mga taong mahal ko, lalo na kung sila yung nagbibigay ng inspirasyon sa akin." 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Rachelle Siazon

Matimbang kay Maja ang mga payo ni Gary at nakapagpalakas ng kanyang loob ang paalala nitong maghintay sa tamang proyekto para sa kanya.

Hanggang sa napili nga raw sila noong maging co-judges sa World of Dance Philippines.

Pagpapatuloy ni Maja, "Hindi ko talaga kasi kaya. Yun yung reason. Pero Tito Gary, nag-text po ako...

"Sobrang sinasasabi ko na sana gumaling na agad. And thank you, Lord!" 

Nakangiting sabi naman ni Gary, na nakaupo sa tabi ni Maja, "Eto, malakas na ako ngayon!"

Nakapanayam ng entertainment press sina Maja at Gary sa mediacon ng World of Dance Philippines, na ginanap sa ABS-CBN Studio, noong January 30.

NEVER GIVE UP

Masuwerte raw si Maja dahil bukod sa bago nilang show ay madalas din niyang nakakasama si Gary sa Sunday musical-variety show na ASAP Natin 'To.

Paliwanag ng actress-dancer: "Alam niyo naman, andami nating napagdadaanan. Pero blessing talaga si Tito Gary sa akin, I'm sure sa aming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Iba siya mag-inspire ng tao. Hindi ka maggi-give up sa kung nasaan ka man, kung ano man pinagdadaanan mo.

"Palagi niya pinapaalala sa 'yo na andiyan si God. Just keep on praying. Dun ako 'lagi,"  lahad ni Maja.

Dugtong niya sa huli, "Kaya pag Sunday, palagi ko kinukulit si Tito Gary. Hindi niya alam, gusto ko lang makarinig ng magagandang words."

PROUD OF MAJA

Sa parte ni Gary, "love na love" daw niya si Maja dahil nasubaybayan niya ito mula nang unang sumabak sa ASAP ang actress-dancer 16 years ago.

First o second rehearsal pa lang ni Maja sa ASAP ay nakitaan na raw ni Gary ng galing sa pagsayaw sa entablado si Maja.

"She went beyond my expectations. Hindi lang siya isang dancer, we all know that shes an award-winning actress," pagmamalaki pa ni Gary.


Stories We Are Tracking

Gary speaks up about hurdling kidney cancer, heart ailment
Gary speaks up about hurdling kidney cancer, heart ailment
Gary Valenciano says he is cleared of cancer
Gary Valenciano says he is cleared of cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer
Gary Valenciano in good spirits as he battles kidney cancer


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN