Matteo Guidicelli speaks up about Sarah Geronimo's rumored engagement ring

IMAGE Noel Orsal / CTTO via @ashmatters Instagram

Matteo Guidicelli on when he plans to settle down with longtime girlfriend Sarah Geronimo: "Hopefully, that's the long-term dream goal. Hopefully, one day. We'll see."


Sa kauna-unahang pagkakataon, diretsahang sinagot ni Matteo Guidicelli ang espekulasyon tungkol sa diumano'y suot na engagement ring ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Hindi maiwasang matanong sila dahil kabilang sila sa Pinoy celebrity couples na inaabangan kung kailan sila ikakasal.

"Oo, nagulat nga din ako. May singsing," bungad ni Matteo.

Kaugnay ito ng ilang pagkakataong namataan si Sarah na may suot na diamond ring.

Narito ang isang close-up photo ng sinasabing singsing ng singer-actress:

Noong January 20, nag-post si Matteo sa kanyang Instagram account ng litrato kasama si Sarah. Kuha iyon pagkatapos ng motorcycle event na sinalihan ni Matteo sa Pampanga.

Makikitang may suot na singsing si Sarah sa kanyang left ring finger. Sinasabing sadyang ibinaliktad umano nito ang sinsgsing upang hindi makitang diamond ring ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE @mateoguidicelli Instagram

Bunsod nito, may hinala ang ilang AshMatt fans na tila nag-propose na ng kasal si Matteo kay Sarah ngayong limang taon na silang magkarelasyon.

Pero ayon kay Matteo, wala pa siyang ibinibigay na engagement ring kay Sarah.

"No, no. It's too small!" natatawang pagtukoy ni Matteo sa diamond sa suot-suot na singsing ni Sarah.

Ibig sabihin ay mas malaking diamond ring ang ibibigay niya kay Sarah sakaling mag-propose ang binata.

Sabi ulit ni Matteo, "Hahaha! Wala, biro lang, ano ba!"

Plano ba niyang lumagay sila sa tahimik kapag 30 years old na ang binata?

Sagot ng 28-year-old Kapamilya actor-singer, "We'll see. Hahaha!"

Kung anu't ano man, siniguro ni Matteo na si Sarah ang gusto niyang pakasalan sa takdang panahon.

"Hopefully, that’s the long-term dream goal. Hopefully, one day. We'll see," pag-ulit niya.

Nakapanayam si Matteo ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bago siya pumirma ng kontrata bilang bagong talent ng Viva Artists Agency, ngayong Biyernes, February 8.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo gets forehead kiss from Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo gets forehead kiss from Matteo Guidicelli
Sarah shows affection for Matteo in Pampanga trip
Sarah shows affection for Matteo in Pampanga trip
Sarah, Matteo keep holding hands in Cebu school visit
Sarah, Matteo keep holding hands in Cebu school visit
Matteo confirms coffee dates with Sarah in Italy
Matteo confirms coffee dates with Sarah in Italy


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN