Sunshine Cruz calls out man for sending lewd private messages

IMAGE Hans Fausto

Sunshine Cruz to rude netizen telling her about his fantasy: "Yung totoo? Chef ka pa naman!"


Galit na galit si Sunshine Cruz sa isang Instagram user na nagngangalang "Lorence Anthony D. Guardian."

Base sa kanyang username na @cheflorence_butcherchef at sa mga naka-post na litrato sa account nito, tila isang chef ang nasabing netizen.

Sa isang Facebook post ngayong Martes ng hapon, February 12, pinalagan ni Sunshine ang mga bastos na mensahe na ipinadala diumano ng nasabing netizen kay Sunshine through direct messaging (DM) sa Instagram.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktres sa caption: “I just saw this now. Chef pa naman. Hindi sa lahat ng pagkakataon mananahimik kami Masyadong bastos!”

Kalakip ng post ni Sunshine ang screenshots ng mga mensaheng ipinadala diumano ng netizen sa kanya sa Instagram.

May ilang bahagi ang tinakpan ni Sunshine, ngunit lantad sa mga mensahe ang pagpapantasya ng netizen, hindi lang kay Sunshine kundi pati sa anak nitong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ang nagkomento sa post na ito ni Sunshine kung saan nagpahayag sila ng galit sa netizen.

HACKED?

Kabilang sa mga nagkomento ang TV personality na si Kim Atienza, na nagsabing baka na-hack ang account ng netizen.

Sa ngayon ay naka-public pa rin ang account ng nasabing netizen at may namba-bash na sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPDATE: Ipinaliwanag ni Lorence Anthony Diola-Guardian sa kanyang Facebook account na na-hack ang kanyang account.

Saad niya, "MY ACCOUNT IN INSTAGRAM IS HACKED!!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagkomento rito si Sunshine, na hindi naniniwala sa paliwanag ng netizen.
Sabi ng aktres, "Kuya hindi kami pinanganak kahapon.. Bobo lang ang maniniwala sayo! You blocked me suddenly on instagram!"

Samantala, naka-block na rin si Sunshine sa Facebook account ni Lorence.

Post pa ng aktres: "Bakit biglang blocked/user not found na? Lorence Anthony Diola Guardian umayos ka! Nanay mo babae din. Lorence Anthony Diola-Guardian."


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN