Teresa Loyzaga opens up about son Diego

IMAGE Allan Sancon (Teresa) / @loyzagadiegs on Twitter

Teresa Loyzaga's advice to son Diego: "You know who you are. You are better than that. And look, you have lived so far in your life, you don't need somebody to tell you who you are, what can you do or what you cannot do."


Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag ang aktres na si Teresa Loyzaga, 52, tungkol sa kalagayan ng anak na si Diego Loyzaga, 23.

Noong November 2018 ay kumalat ang balitang dumaan sa depression si Diego at nagtangka pa diumanong kitilin ang sariling buhay.

Walang kumpirmasyon o pagtanggi mula sa kampo ng aktor kaugnay ng balitang iyon.

Ngunit kapansin-pansing hindi na napanood si Diego sa ABS-CBN drama series na Los Bastardos, hangggang sa tuluyan nang patayin ang karakter niya rito.

Pagkatapos nito ay wala nang naging balita sa aktor, maliban sa lumabas na litrato nito kasama ang inang si Teresa nang magbakasyon sila sa Italy.

DIEGO'S DEPRESSION

Nitong Linggo, February 10, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teresa sa FDCP Ambassadors' Night 2019 na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura.

Dito ay kinumusta namin sa kanya ang kalagayan ng anak na si Diego.

Naging open noon si Diego na dumaraan siya depression before. Aware ba si Teresa rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I think, depression in general, everyone has a certain depression in their own individuality.

"I’m depressed with as shallow as my cellulite. I’m depressed as a mom because of my stretch marks...

"It’s how you level your depression."

Lahad pa ni Teresa, "I just lost a friend yesterday and... I yet have to know what the reason really is.

"But I was talking to her a few days before, we were laughing.

"What makes a person depressed, only they can tell, really.”

Anong payo ang ibinigay niya kay Diego kapag dumaranas ito ng depression?

Saad ni Teresa, “You know who you are. You are better than that.

"And look, you have lived so far in your life, you don’t need somebody to tell you who you are, what can you do or what you cannot do.

"And that’s not only my payo to my children, that’s my payo for me and, I think, that’s a good payo to everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Don’t let anyone determine who and what you are."

Bilang isang ina, tinitiyak daw ni Teresa na nasa tabi siya ng kanyang mga anak sa ganung pagkakataon.

“I have two sons, so it’s not limited just to him.

"I always make myself available for my children and that’s how it will always be."

Ano naman ang mensahe niya sa mga taong nanghuhusga kay Diego?

“Whether it’s Diego or whether it’s me, dahil marami ring nangba-bash sa 'kin or kahit na kanino, people will always talk.

"Hindi ba, sabi nila, it’s their freedom, they can say what they want to say.

"It’s up to you how you want to take it—you want to take it constructively, you want to take it negatively, you want to use it to better yourself?

"And if you cannot take it, block them! Just as simple as that!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Teresa, ang pagbabakasyon ni Diego sa Italy ay isang paraan upang ma-realize at ma-appreciate nito ang panahong naging bahagi siya ng showbiz.

Pahayag ng aktres, “Hindi ba, sabi kasi nila minsan na, ‘Absence makes the heart grow fonder.’

"Maybe it’s a way na pati siya... to appreciate more what he has, to appreciate more yung pelikula natin, ang pelikulang Pilipino, ang industriya natin, ang bawat isa sa atin.

"Same goes for myself. Alam mo yung absence ko rin for a very long time, it makes me appreciate things more now."

Bago siya bumalik sa showbiz noong 2017, labimpitong taong nanirahan si Teresa sa Australia kung saan siya nagtrabaho bilang flight attendant.

DIEGO TO BE A KAPUSO?

Samantala, may usap-usapang lilipat daw si Diego sa GMA-7 sa pagbabalik nito sa showbiz. Totoo ba ito?

Sabi ni Teresa, “I will not say anything with regards to that. I can only say watch for what's happening next.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sigurado bang babalik si Diego sa showbiz?

“Abangan!” natatawang tugon ng aktres.

Kung saka-sakali ba ay gusto niyang magkasama sila ni Diego sa isang proyekto?

“Of course, we’ve been talking about that,” sagot ni Teresa, na kasalukuyang napapanood sa Kapuso afternoon drama series na My Special Tatay.

Si Diego ay anak ni Teresa sa aktor na si Cesar Montano.


Stories We Are Tracking

Diego Loyzaga in attempted suicide?
Diego Loyzaga in attempted suicide?
Kylie confirms Diego has not yet returned to Los Bastardos
Kylie confirms Diego has not yet returned to Los Bastardos
Marco speaks up about Diego's sudden exit from teleserye
Marco speaks up about Diego's sudden exit from teleserye


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN