Character actor Josh Ivan Morales reveals getting "invitations" from three actors

IMAGE Instagram

Character actor Josh Ivan Morales reveals that three actors from his past projects with ABS-CBN sent him feelers through text messages.


Inamin ng character actor na si Josh Ivan Morales na tatlong male stars ang "nagparamdam" sa kanya noon sa pamamagitan ng text messaging.

Ang tatlong aktor na ito ay nakatrabaho raw niya sa mga programa ng ABS-CBN.

Inilahad ito ni Josh Ivan sa interview sa kanya ng disc jockey na si Mr. Fu sa isang YouTube video na ipinost noong January 31, 2019. 

Sa naturang interview, inusisa si Josh Ivan kung ano ang ginagawa ng mga “aktor na may itinatago sa likod ng camera” na nagkakagusto sa kanya.

Sagot niya, “The usual… nagti-text. Nagti-text before...”

May “napagbigyan” na ba siya?

“Wala pa,” tugon niya.

Ano ang mga itini-text sa kanya?

“The usual… yung, di ba, invitation, ganun…. Pupunta ka sa ganyang lugar. Ganun lang naman yun.”

Ilang aktor ang nag-text sa kanya?

“Tatlo,” sagot ni Josh Ivan.

Kabilang sa mga teleseryeng kinabilangan niya sa Kapamilya network ay ang mga sumusunod: Bagani (2018), A Love To Last (2017), Honesto (2013), My Little Juan (2013), Walang Hanggan (2012), at Imortal (2010-2011).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, napapanood si Josh Ivan sa ABS-CBN afternoon drama series na Kadenang Ginto.

Kasama rin siya indie movie na La Familia Blandina na pinagbibidahan nina Karla Estrada, Awra, at Marco Gallo.

PAST RELATIONSHIP WITH GAY FROM SHOWBIZ

Inamin din ni Josh Ivan na may nakarelasyon siyang gay mula sa showbiz.

Tumanggi siyang sagutin ang tanong kung artista ito.

Pero inamin niyang matagal ang naging relasyon nila.

Bukas ba siya sa posibilidad na makarelasyon muli ang isang gay?

Sagot ni Josh Ivan, “Oo naman, kailangan magmahal.

"Kasi kung hindi ka magmamahal, walang kabuluhan ang buhay mo.”

Nakilala si Josh Ivan sa 2008 indie gay movie na Ang Lihim ni Antonio.

Nagsimula siya sa showbiz nang maging finalist sa Bodyshots 2004 at napabilang sa Viva Hot Men.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN