Sunshine Cruz gets swift justice; chef who sent lewd messages to her loses job

IMAGE Hanz Fausto

Sunshine Cruz on chef who sent lewd messages to her: "May this serve as a reminder that women especially minors should be protected and respected."


Malaki ang pasasalamat ni Sunshine Cruz sa pamunuan ng isang fine-dining restaurant dahil gumawa sila kaagad ng hakbang upang maimbestigahan ang inasal ng isa sa kanilang empleyado.

Ang tinutukoy na empleyado ay si Lorence Anthony Guardian, chef sa Epilogue restaurant na matatagpuan sa isang five-star hotel sa Pasay City.

Base sa alegasyon ni Sunshine, nagpadala si Guardian sa kanya ng malalaswang mensahe tungkol sa aktres at mga anak nitong babae sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Hindi ito pinalampas ni Sunshine at kaagad tinawag ang atensiyon ni Guardian tungkol dito.

Ngunit itinanggi ng chef na siya ang nagpadala ng mensahe at sinabing na-hack daw ang kanyang account.

Binlock din kaagad nito si Sunshine sa Instagram at sa Facebook.

May mga nagkomento sa post ni Sunshine at sinabing pati sila ay pinadalhan din umano ng mahahalay na mensahe ni Guardian.

VIRTUAL PREDATOR

To the rescue naman kay Sunshine ang boyfriend nitong si Macky Mathay III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaagad nakipag-ugnayan si Macky sa manager ng Epilogue upang ipaalam ang ginawa ng isa nilang empleyado sa aktres.

Tinawag pa ni Macky ang chef na “virtual predator.”

Lahad ni Macky sa kanyang post kahapon: “I have talked to Ms. Liz Ubando, manager of Epilogue S Maison Epilogue PH and this VIRTUAL PREDATOR will be fired from his job and will be reported to the authorities so that he cannot victimize other showbiz personalities, private people and minors!!

“WOMEN SHOULD BE RESPECTED AND NEVER DISREPECTED!!

“Ang BASTOS mo and to think you have photos of your mother and lola in your Instagram feed!!”

Nakipag-ugnayan naman kaagad ang pamunuan ng restaurant kay Sunshine.

Iniimbestigahan na raw nila ang insidente.

Nagpasalamat din sila sa aktres dahil ipinarating nito sa kanila ang insidente, nang sa ganun ay maisangguni nila sa awtoridad ang hindi kanais-nais na gawain ng kanilang empleyado.

Sabi ni Sunshine sa caption ng kanyang post: "From Epilogue PH

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat! Kailangang ng aksyon para hindi pamarisan."

CHEF ADMITS SENDING LEWD MESSAGES

Ngayong Miyerkules ng tanghali, February 13, nagbigay ng update ang pamunuan ng restaurant tungkol sa insidente.

Sa post ni Sunshine na screenshot ng mensahe sa kanya ng pamunuan ng Epilogue, umamin na raw si Guardian na siya nga ang nagpadala ng mga malalaswang mensahe sa aktres.

Tinanggal na rin daw sa trabaho si Guardian.

Pinag-aaralan din daw ng management ng restaurant ang kanilang susunod na hakbang upang mabigyan ng katarungan ang ginawang pambabastos ng kanilang empleyado kay Sunshine.

Narito ang buong mensahe ng restaurant management sa aktres:

"Hi Sunshine, just want to provide another update.

"We just finished the meeting between our manager and the agency, and Lorence Guardian admitted that he was the one who sent the messages.

"On our end, we have also formalized all the termination documents and he is completely out of Epilogue.

"Lorence also promised to make an apology.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We, together with our lawyer, are also coordinating with the agency on the next course of action.

"If there's anything else that you would want us to do or help with, please let us know."

Caption naman ni Sunshine sa kanyang post: “Thank you for the swift action regarding this alarming matter Epilogue PH.

“May this serve as a reminder that women especially minors should be protected and respected.”

Samantala, wala pang bagong post sa kanyang Facebook account si Guardian.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN