Ryza Cenon moves on from breakup with Cholo Barretto: "Past is past na."

IMAGE Noel Orsal

Ryza Cenon says she is focusing on work and her hobbies post-breakup with actor and The General's Daughter co-star Cholo Barretto. 


Wala mang diretsahang pag-amin sina Ryza Cenon at Cholo Barretto tungkol sa breakup nila, mahahalata ito sa social media posts ng dalawa bago pa man magtapos ang taong 2018.

Gayundin sa hashtag ni Ryza na “single” sa isang Instagram post, kung saan nag-dinner siya kasama sina Eula Valdes at Albert Martinez, co-stars niya sa prime-time series na The General’s Daughter.

Caption ni Ryza sa post: "Thank you for tonight. Thank you Papa @albertmartinezph sa dinner. Nag enjoy po kami ni Mama @eulavaldes sa pre valentine’s date natin. Good night."

Isinunod niya rito ang hashtags na "#familiadeleon" at "#3singles," na tila nagsasabing bukod kay Albert, single na rin sila ni Eula.

View this post on Instagram

My Pre Valentines date.???? #familiadeleon

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

Tipid man ang mga pahayag niya tungkol sa ex-boyfriend, sinabi ng aktres na naka-move on na siya.

Pahayag ni Ryza, “Opo, naka-move on na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan naman para mag-move forward na rin. Past is past na.

"So, tapos na siya. Kaya mas mag-focus na lang po muna sa work and hobbies."

Ilan sa hobbies ni Ryza ay ang painting, hiking, at archery.

Kumusta na siya ngayon?

Sagot ng aktres, “Ngayon po, okay po ako.

"I’m blessed kasi kahit na may nawala, maraming blessings naman na dumarating.

"At ang bilin sa akin ng lola ko, may reasons si God kung bakit nangyayari ang lahat ng ‘to sa akin, dahil tinuturuan ako ng lesson ni God about handling life.”

Ano ang natutunan niyang lesson sa last breakup niya?

Ayon kay Ryza, “Naging lesson ko siguro, huwag mong ibibigay lahat-lahat. Magtira ka para sa sarili mo.

"Isipin mo ang sarili mo muna bago ang iba."

Ngayong Huwebes, February 14, ay Araw ng mga Puso.

Kung karamihan ay aligaga sa espesyal na araw na ito, lalo na ang may mga karelasyon, para sa Kapamilya actress ay normal na araw lang ang Valentine’s Day—may boyfriend man siya o wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Normal day lang naman po sa akin yun.

"E, kasi kapag Valentine’s Day, ma-traffic.

"So, ayoko talagang makipagsabayan sa crowd!” natatawang sabi ni Ryza.


Stories We Are Tracking

Is Ryza Cenon ready to be part of Barretto family?
Is Ryza Cenon ready to be part of Barretto family?
Cholo Barretto serious about girlfriend Ryza Cenon
Cholo Barretto serious about girlfriend Ryza Cenon
Ryza Cenon's boyfriend knows about her suicidal tendencies
Ryza Cenon's boyfriend knows about her suicidal tendencies
Cholo Barretto willing to wait for Ryza Cenon to settle down
Cholo Barretto willing to wait for Ryza Cenon to settle down

LEAVING ANG PROBINSYANO

Pagdating naman sa kanyang showbiz career, tuluy-tuloy lang si Ryza sa ABS-CBN.

Kinailangan siyang patayin sa FPJ’s Ang Probinsyano nang magsimulang umere ang The General’s Daughter.

Nalungkot daw siya nang mamaalam sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Saad niya, “Nakakalungkot po na natapos na ako sa Ang Probinsyano kasi grabe yung bonding dun. Parang pamilya talaga.

“I’m grateful na napasama talaga ako sa Ang Probinsyano, at hindi ko rin makakalimutan yung rating nung tumalon po ako sa tulay, isa sa pinakamataas. Nakaka-proud.

“Kaya nagpapasalamat ako sa Dreamscape saka kay Direk Coco Martin sa tiwala. Sana makatrabaho ko pa sila ulit lahat.”

Okey rin daw siya ngayon sa The General’s Daughter at masarap din daw kasama ang co-stars niya, maging mga staff at crew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mukhang may nabuo na talaga siyang pakikipagkaibigan sa mga ito, lalo na't may “pre-Valentine’s dinner” pa siya kasama sina Albert at Eula.

Pagsang-ayon ni Ryza, “Yes, opo, kasi palagi rin po na sila ang kasama ko at nakakausap. 

"Nagyaya si Tito Albert na mag-dinner. Idi-date niya raw kami ni Ms. Eula.  

"Masaya lang po, tawa lang kami nang tawa.”

Incidentally, magkasama sina Ryza at Cholo sa The General's Daughter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN