Winwyn Marquez admits breakup with Mark Herras

IMAGE @angelosantosherras Instagram

Reina HispanoAmericana 2018 Winwyn Marquez on breakup with Kapuso actor Mark Herras: "Walang third party. My god! Parang awa niyo na, hindi yun talaga ang reason." 


Isiniwalat ni Winwyn Marquez, 26, na hiwalay na sila ng boyfriend at kapwa-Kapuso star niyang si Mark Herras, 32.

Ito ay matapos ang tatlong taong relasyon nila.

"Actually, yeah, I'm single right now," pag-amin ni Winwyn.

Pero nilinaw ng beauty queen-actress na walang third party sa hiwalayan nila ni Mark.

Paglilinaw pa niya, "Okey kami. Naghiwalay kami nang maayos. It was a mutual decision.

"Walang third party. My god! Parang awa niyo na, hindi yun talaga ang reason." 

Inihayag ito ni Winwyn sa presscon proper ng pelikulang Time & Again na pinagbibidahan nila ni Enzo Pineda.

Ginaganap ang event sa Valencia Events Place sa Quezon City, ngayong mismong Araw ng mga Puso, February 14.

Kaswal at walang halong bitterness ang pag-amin ni Winwyn na natuldukan na ang magandang samahan nila ni Mark.

Natatawang biro pa ng dalaga, "Si Enzo daw yung third party. Gumawa ng issue!" 

Sabay bawi rin niya, "No, walang third party. It was a mutual decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're both okay. Nag-uusap pa naman kami." 

Sa ngayon, pareho raw silang abala sa kani-kanilang trabaho.

"We're doing our own thing. I'm busy with my own work. He's doing his own work," dagdag ni Winwyn.

Sa Instagram feed ni Mark, ang huling post niya kasama si Winwyn ay noong January 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN