Ciara Sotto says she and Maine Mendoza have answered prayers this Valentine's Day

IMAGE @mainedcm and @pinaypole on Instagram

Ciara Sotto (right, with boyfriend Ian Austin) and Maine Mendoza (left) tease each other on Instagram on Valentine's Day.


Si Ciara Sotto, 38, na mismo ang nagsabing nasagot na ang mga panalangin nila ni Maine Mendoza, 23.

Ngayong Araw ng mga Puso, February 14, nag-post si Ciara ng before-and-after photos nila ng boyfriend na si Ian Austin.

Ang kalahati ng post ay photo nina Ciara at Austin na may petsang February 14, 2008, o nung panahong hindi pa sila magkarelasyon.

Ang kalahati naman ay nito lamang February 13, 2019.

Caption dito ni Ciara: “11 years after... Happy Valentine’s Day!!! [hearts and butterflies emojis] #whowouldvethought”

Ang mga larawan ay kuha sa parehong restaurant na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig.

View this post on Instagram

11 years after... Happy Valentine’s Day!!! ????♥????????????????????????????????? #whowouldvethought

A post shared by Ciara Sotto (@pinaypole) on

Ibinunyag ni Ciara ang relasyon nila ni Austin noong November 2018 sa pamamagitan ng Instagram.


Stories We Are Tracking

Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend
Ciara Sotto reveals identity of her non-showbiz boyfriend

MAINE COMMENTS

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Ciara ay si Maine Mendoza.

Sabi ng Eat Bulaga! host: “Ehhhh [heart emoji] Happy Valentine’s sainyo, ate!”

Sagot naman dito si Ciara: “@mainedcm HAHAHAHA!!! Happy Hearts Day to you, Babygirl!!!!!”

Kapansin-pansin ang paggamit ni Ciara ng hashtag na "#answerednaprayersnatin" sa sagot niya kay Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, tila nasagot na pareho ang panalangin nilang magkaroon ng love life.

Usap-usapan din sa showbiz ang relasyon ni Maine at ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Noong January 22, kinumpirma ni Arjo na "exclusively dating" sila ni Maine.

February 11, nag-post si Arjo sa social media ng larawan ni Maine na todo ngiti, na nangangahulugang nagkita ang dalawa sa U.S. pagkatapos ng kani-kanilang commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtungo si Maine sa New York para sa ilang activities na may kinalaman sa iniendorsong lipstick brand.

Si Arjo naman ay isa sa mga guest ni Maja Salvador sa concert nito sa Virginia.


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza, Arjo Atayde go on a romantic date in the U.S.
Maine Mendoza, Arjo Atayde go on a romantic date in the U.S.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN