Did Maja Salvador get back together with rumored ex-boyfriend Rambo Nuñez?

IMAGE Photos from Instagram (Credits to the owner/s)

Photos of actress Maja Salvador being cozy with a non-showbiz guy recently came out on Instagram. Netizens say that the guy is Rambo Nuñez, rumored to be Maja's former boyfriend.


“Thanks for being my Valentine again after 9 years…”

Ito ang nakasulat sa card na kasama ng bouquet of red roses na natanggap ni Maja Salvador nitong Valentine's Day.

Ipinost ng Kapamilya actress sa Instagram ang larawan ng card at roses, subalit hindi niya ipinakita ang pangalan ng nagbigay nito sa kanya.

View this post on Instagram

????

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

Bunsod nito, naintriga ang netizens pati na ang ilang kaibigang artista ni Maja.

Pero mukhang may alam ang ibang mga kaibigan ni Maja, partikular ang co-stars niya sa Wildflower, ang dating Kapamilya afternoon teleserye na pinagbidahan ng aktres.  

Si Roxanne Barcelo ay tila nagbigay ng clue sa kanyang komento: “For the baby baby come back!!!!”

Halakhak naman ang sagot ni Aiko Melendez.

Heart emojis naman ang naging komento nina Sunshine Cruz at Kakai Bautista.

Tinukso rin si Maja ng kaibigang si Pooh sa comments section.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mag-asawang sina Marco Alcaraz at Precious Lara Quigaman, inusisa si Maja.

May netizen namang binabanggit ang pangalang Rambo Nuñez.

May mga lumabas ding larawan sa social media kung saan makikitang magkasama sina Maja at Rambo.

Base sa date post, recent lamang ang mga larawang ito.

Sa isang larawan, makikita sina Maja at Rambo kasama ang mga kaibigan ng aktres, kabilang sina Kakai at Thou Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa pang larawan, makikita sina Maja at Rambo na magkahawak-kamay.

View this post on Instagram

A post shared by majasalvador_universe (@her_majasty) on

PREVIOUS RELATIONSHIP

Hindi ito ang unang beses na na-link si Maja kay Rambo.

Noong January 2010, may mga lumabas na write-ups na diumano’y boyfriend na ni Maja si Rambo.

Sa kanyang Facebook account, si Rambo ay tubong-Cagayan de Oro at presidente ng isang agency may kinalaman sa marketing and communications at events and public relations.

Anak siya ng dating personal assistant ni Richard Gomez na si Marilen Nuñez.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN