Dani Barretto engaged to non-showbiz boyfriend Xavi Panlilio

IMAGE @danibarretto / @bela on Instagram

Dani Barretto got engaged to non-showbiz boyfriend Xavi Panlilio early this afternoon, February 17. Bela Padilla (not in photo) shared a photo of Dani's engagement ring on Instagram after the proposal.


Engaged na ang travel blogger/social media influencer na si Dani Barretto sa non-showbiz boyfriend nitong si Xavi Panlilio.

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dating boyfriend nitong si Kier Legaspi.

Naganap ang proposal ni Xavi kay Dani ngayong Linggo ng hapon, February 17.

Humingi ng tulong si Xavi sa best friend ni Dani na si Bela Padilla upang i-set up ang kanyang wedding proposal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @bela on Instagram

Sa sunud-sunod na posts ni Bela via Instagram stories, makikita kung paano nag-propose si Xavi sa kanyang girlfriend of two years.

Naganap sa isang studio ang wedding proposal ni Xavi kay Dani.

Mapapanood sa Instagram Stories ni Bela habang ini-interview si Dani ng Spring Films tungkol sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @bela on Instagram

Matapos nito, pinanood ni Dani ang isang video na inihanda ng kanyang boyfriend.

Sa isang bahagi ng video, mensahe ni Xavi kay Dani: "Thank you for showing me that I deserve to be loved in ways that I could never imagine."

 IMAGE Screengrab from @bela on Instagram

Kasunod na nito ang pagtanggap ni Dani sa wedding proposal ng kanyang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @bela on Instagram

Kumpleto rin ang mga kapatid ni Dani na sina Julia, Claudia, Leon, at Erich upang i-congratulate ang dalawa sa kanilang engagement.

 IMAGE Screengrab from @bela on Instagram

Sa Instagram naman, ibinahagi ni Bela ang litrato ng engagement ring ni Xavi kay Dani at excited na ibinalita, "My best friend’s getting married."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantla, ipinost din ni Xavi ang engagement ring na ibinigay nito kay Dani.

Ang caption naman nito, "Got an eternity left and I’m already satisfied."

May 2017 nang magkakilala sina Dani at Xavi sa birthday celebration ni Bela sa La Union.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN