Karla Estrada denies tampo with Kathryn Bernardo

IMAGE Jerry Olea / Daniel Padilla Instagram

Karla Estrada on alleged tampuhan with Kathryn Bernardo, the girlfriend of her son Daniel Padilla: "Bilang nanay, bago ko sabihin sa mga tao ang aking hinanakit, o kung ano man ang kailangan kong maging komento kay Kathryn at kay Daniel, mauuna na yun sa bahay sa aking anak. Hindi tayo puwedeng maglaba ng maruruming damit natin sa social media. Because wala silang maitutulong lahat kundi makikilaba lang sila, di ba?"


Tahasang itinanggi ni Karla Estrada ang balitang naghihinanakit siya kay Kathryn Bernardo, ang girlfriend ng anak niyang si Daniel Padilla.

“I never had any issues with Kathryn,” diretsong pahayag ni Queen Mother, aka Comedy Momshie, sa presscon ng pelikula niyang Familia Blondina nitong Pebrero 17, Linggo, sa Racks, Timog Avenue, Quezon City.

“Alam niya iyan, sa family niya. So, I’m good doon sa relationship nilang dalawa ni Daniel.

“Because nakita ko naman na ang anak ko ay nag-mature.

"And then, actually, silang dalawa, pareho silang naghilahan paakyat.

“So, wala akong puwedeng sabihing hindi maganda, di ba?

“And of course, bilang nanay, bago ko sabihin sa mga tao ang aking hinanakit, o kung ano man ang kailangan kong maging komento kay Kathryn at kay Daniel, mauuna na yun sa bahay sa aking anak.

“Hindi tayo puwedeng maglaba ng maruruming damit natin sa social media.

“Because wala silang maitutulong lahat kundi makikilaba lang sila, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNFOLLOWING ON INSTAGRAM

Natawa lang si Karla sa isyung pag-unfollow ng KathNiel sa Instagram.

Napapangiting lahad ni Karla, “These things really happen sa mga magkakarelasyon.

"And maganda naman dun, na-explain naman ni Kathryn, na of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow.

“Di ba, parang ganun? So, si Kathryn yun.

“And then kami, tawanan lang kami. Tawanan lang kami.

“Hindi masyadong big deal yung mga bagay na ‘yan.

“And then, kung ano man yung... hindi naman daw niya sinasadya, di ba? She was saying...

“But of course, huwag na tayong manghimasok dun. Hayaan na natin sila sa mga ganun-ganun nila, di ba?

“Basta ang importante, ang anak ko ay nagde-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa pamilya niya, at lalung-lalo na sa kanyang buhay sa trabaho. Di ba?”

PROPOSAL IN JAPAN?

Tungkol sa isyung proposal, nilinaw ni Karla, “Exactly, yung mga proposal na yun noong nandoon sila sa Japan, hindi sila yun.

“So, nag-assume lang tayo, ‘no? Yung mga nakapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, hindi naman talagang big deal yun.

“May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon, and ako ang unang makakaalam nun.”

Naiisip na ba niyang maging lola?

Tila kumislap ang mga mata ni Karla, “Actually, lola na ako.

"Kasi, yung iba kong mga pamangkin, may mga anak na. So, oo.

"Sa sarili kong anak? Ahhmm, hindi ko masabi kung naiisip ko na o hindi, pero ngayon ay nasa mga tamang edad naman sila...

“Ang importante sa akin... handa na ba sila?!

“Handa na ba kayo?! Ha! Ha! Ha! Ha!”


Stories We Are Tracking

Has Daniel Padilla proposed to Kathryn Bernardo?
Has Daniel Padilla proposed to Kathryn Bernardo?
Kathryn explains why she unfollowed Daniel on Instagram
Kathryn explains why she unfollowed Daniel on Instagram


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN