Is Coleen Garcia willing to do projects with GMA Network?

IMAGE Noel Orsal

Coleen Garcia talks about possibility of working with GMA Network, now that she transferred to another talent management arm.


Sa paglipat ng talent management ni Coleen Garcia, 26, bukas din ba siya sa posibilidad na magtrabaho sa GMA Network?

Buhat nang magsimula sa showbiz, solid Kapamilya si Coleen.

Nitong Lunes, February 18, pumirma siya ng five-year contract sa Viva Artist Agency, talent arm ng Viva Films, pagkatapos ng pitong taon sa showbiz.

Mula nang mag-showbiz si Coleen ay Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN, ang nag-manage ng kanyang karera. 


Stories We Are Tracking

Coleen Garcia leaves Star Magic; signs up with Viva
Coleen Garcia leaves Star Magic; signs up with Viva

Ngayong iba na ang nagma-manage sa kanya, bukas ba siya sa posibilidad na magtrabaho sa GMA Network?

“I think I would run it by Viva, kasi sila yung nakakaalam kung ano yung tama para sa akin, e,” sagot ng aktres pagkatapos ng kanyang contract signing.

Pag-amin din ni Coleen, “I’m not sure how it works, e.

"I think ang alam ko if you’re signed with Viva and you’re not signed sa network, puwede kang both.

“I’m really not sure how that works.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas daw siya sa posibilidad na makapagtrabaho sa kahit anong network, pero mas masaya raw siya sa Kapamilya Network.

“Pero I’ve always been a Kapamilya. I love being a Kapamilya.

“But if there is an opportunity to work with both [networks], then, why not?

“But kung pipili ako, I’m happy with where I am,” pagtukoy niya sa pagtatrabaho sa ABS-CBN.

NOT BECAUSE OF BILLY

Nilinaw ni Coleen na hindi ang asawang si Billy Crawford ang dahilan kung bakit siya lumipat ng management.

Noong January 2018, pumirma ng limang taong kontrata si Billy sa Viva pagkatapos ng 10 taon sa ilalim ng ALV Talent Circuit.

Paliwanag ni Coleen, “Actually, hindi naman siya yung deciding factor kung bakit ako lumipat.

“Pero he did give me advice, and nakatulong din na nandito na nga siya.

“So, marami din siyang nakukuwento sa akin, his experiences working with Viva and he really has good things to say na nakatulong din sa pag-decide ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga dahilan ng paglipat ng management ni Coleen ay para mag-focus sa pag-arte sa pelikula.

May limitasyon ba siya sa paggawa ng pelikula, lalo pa’t may asawa na siya?

Sagot niya, “Hindi naman po. Although I do want to veer away from the same roles that I was doing before.

“Sa sarili ko para lang may change, pero hindi naman po dahil sa kasal na ako.

“It’s more of a personal decision, kasi si Billy ever since sa start, supportive naman siya.

"Hanggang ngayon supportive pa rin siya."


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN