Lauren Young comments on Elmo-Janella physical abuse issue: "I think someone is lying!"

IMAGE Noel Orsal

Lauren Young on answering questions about the Elmo Magalona-Janella Salvador controversy: "Siyempre, mag-comment lang ako 'tapos may lumabas na article, sasabihin nila, 'Nangingialam ka!' E, basa kayo nang basa. Tinanong lang ako, sumagot lang ako."


Tumagal ng tatlong taon ang relasyon ni Lauren Young kay Elmo Magalona kaya hindi maiwasang tanungin ang aktres tungkol sa ex-boyfriend sa presscon ng Hiram Na Anak, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, February 18.

As expected, reporter’s delight si Lauren dahil hindi uso sa kanya ang salitang off the record kaya may sagot siya sa lahat ng mga tanong tungkol kay Elmo.

Sa mga hindi nakakaalam, ang ina ni Elmo na si Pia Magalona pa rin ang manager ni Lauren, kahit naghiwalay na sila ng ex-boyfriend

Pahayag ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “That was seven years ago.

"When nag-break kami ni Elmo, sinabi ko talaga kay Tita Pia, 'We broke up, but I’m okay with him. We’re okay.

"'And if you can be with me professionally, we could still work together. But if not, then mag-adjust tayo.'

“She was, like, work is work. So, kapag nagkikita kami, we never talk about our personal lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sometimes, siyempre it’s a normal conversation naman, but ano talaga...

"First of all, she’s my manager. She’s like my mom as well.

"Ang dami na naming pinagsamahan ni Tita Pia.

"She’s a great manager for me, hindi ako nauubusan ng mga project at ang gaganda lagi ng mga nakukuha ko na projects.”

ON ELMO AND JANELLA

Dahil sa pagiging open ni Lauren, kinuha ng PEP.ph ang pagkakataon na itanong ang reaksiyon niya tungkol sa akusasyon ni Janella Salvador, noong October 2018, na pisikal siyang sinaktan diumano ni Elmo.

Sina Lauren at Janella ay parehong ex-girlfriends ni Elmo.

Ayon kay Lauren, "I know Elmo very differently.

"I mean, siyempre ang pangit kasi if I would say I believe the girl, then what will my management say about it?

"But if I say that I believe the boy, then everyone’s gonna be, like, 'Oh, you’re a victim blamer!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, no matter what I say, someone will get angry.

"But for me, the safest answer and most showbiz answer for tonight is, it’s none of my business, because hindi ko kilala si Janella."

Sabi pa niya tungkol kay Elmo, "We say hi but we don’t have a relationship like that anymore, and I don’t know anything about it.

"But for me, I love Tita Pia and, I think, she’s the best. It’s unfortunate that there’s news like that.”

Nang tanungin kung naranasan niyang "masaktan physically" ni Elmo, "Nope!" ang mariing sagot ni Lauren.

Sabi pa niya, "Do you think someone can hit me? Sapakin kita diyan, upuan ko lang sila… charot!"

Pero ayon kay Lauren, "For me, it’s either... I think someone is lying! Hahaha! I don’t know…

"Sometimes, some people bend the truth, some people… sucks if it’s true, sucks if it’s not true. Then, someone is a liar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But for me, it’s none of my business."

Rason pa ni Lauren, "And siyempre, mag-comment lang ako 'tapos may lumabas na article, sasabihin nila, 'Nangingialam ka!'

"E, basa kayo nang basa. Tinanong lang ako, sumagot lang ako."


Stories We Are Tracking

Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Janella confirms she was hurt physically by Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Jenine Desiderio reacts to Janella's accusation against Elmo
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations
Elmo Magalona still mum about Janella Salvador's accusations
Janella, Elmo together in Canada despite serious rift
Janella, Elmo together in Canada despite serious rift

THE ONE THAT GOT AWAY?

Wala raw awkward feeling si Lauren sa tuwing nagkikita sila ni Elmo.

'Tulad nang magkasama sila sa birthday party ng anak ni Saab Magalona-Bacarro, na kaibigan ni Lauren at kapatid ni Elmo.

Lahad niya, "Nag-birthday yung anak ni Saab recently so I went. He was there.

"Actually, palagi ko siyang nakikita kapag may mga birthday or whatever, kasi I’m friends with Saab.

"Wala lang, hi lang."

"Not true" naman ang maagap na sagot ni Lauren sa komentong siya ang "the one that got away" sa mga naging girlfriend ni Elmo.

Ito ay dahil nagawa nila noong maging tahimik at maayos ang kanilang relasyon.

“Siyempre, hindi kami public.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag ganoong age ka 'tapos nasa showbiz ka, ang ituturo sa 'yo, ‘Hoy, huwag kayong magsasabi ng totoo. You know, may love team kayo.' But to be honest, it doesn’t matter.

“That’s what I realized now. Kaya ako, I’m very open because I went to all the lying and sneaking. It’s so stressful.

“At the end of the day, if hindi mo kayang panindigan, huwag mong gawin, hindi mo kayang aminin.

"Kaya ako, everything I do in life, I’m proud of it and I’m not scared to talk about it," prangkang sabi ni Lauren.

Bukas sa publiko ang relasyon ni Lauren at ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Robbie Garcia.


Stories We Are Tracking

<p>Lauren Young reveals having non-showbiz boyfriend</p>

Lauren Young reveals having non-showbiz boyfriend

<p>Elmo and Lauren attend a wedding with new partners</p>

Elmo and Lauren attend a wedding with new partners

<p>Lauren Young goes public with her current relationship</p&

Lauren Young goes public with her current relationship

<p>Lauren Young 'in a better place' with non-showbiz boyfriend&l

Lauren Young 'in a better place' with non-showbiz boyfriend&l



COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN