Kira Balinger on relationship with Hashtag Ryle Santiago: "I don't do labels. It complicates things."

IMAGE Noel Orsal / @kira_balinger Instagram

Kira Balinger on why she prefers a no-label relationship: "Kasi it complicates things, e. If you have a label, you have this responsibility. 'You cannot talk to girls, you cannot wear this. You cannot go to this party.' Pero pag wala kayong label, you can still be a free spirit."


Inamin ni Kira Balinger, 18, na malalim na ang pinagsamahan nila ng Hashtags member na si Ryle Santiago, 21.

Si Ryle daw ang madalas na takbuhan ni Kira kapag may pinagdadaanan siyang problema pagdating sa kanyang showbiz career. 

"Hanggang ngayon, he’s still very special to me," pag-amin ni Kira.

"Wala naman pong nagbago dun. He’s really showed me his personality.

"That’s how I can say he's really special to me. And he’s always been there for me through the highs and the lows.

"Through all the rejections I've had with the projects, he’s always there to lift my spirits, so he’s very special to me."  

Pagkatapos ng digicon para sa pelikulang Familia Blondina, diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kira kung boyfriend na ba nito si Ryle.

"Oh my goodness!" napapangiti at tila bumubuwelo munang saad ni Kira.

Sabay sabi niya, "I don’t do labels. It complicates things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"What really matters is special kami sa isa't isa. We're always there for each other." 

Hindi rin daw sila maituturing na exclusively dating, dahil payag daw si Kira kung sakaling manligaw si Ryle ng ibang babae.

Sa parte niya ay nag-e-entertain ba siya ng suitors?

Sagot ni Kira, "As of now, no. I am really focused on my career."

HOW A NO-LABEL RELATIONSHIP WORKS

Bakit tila uso sa mga kabataan ngayon ang relationship na "no labels"?

Paliwanag ni Kira, "Kasi it complicates things, e.

"If you have a label, you have this responsibility. 'You cannot talk to girls, you cannot wear this. You cannot go to this party.' 

"Pero pag wala kayong label, you can still be a free spirit.

"You can do anything that you want, as long as it doesn’t really affect how the other person feels."

Tamang komunikasyon lang daw ang kailangan sa ganung set-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Kira, "You should still be able to communicate with each other.

"Malay mo, you're doing something 'tapos nasasaktan iyong isa. Communication is important."

Ginanap kahapon, February 19, ang digicon ng Familia Blondina sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN sa Quezon City.

Bago siya nagtungo sa event ay nagkita pa raw sila ni Ryle, na mainstay ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

"Nagkita po kami kanina. He’s also here on ABS. We said, 'Hi-hello. Kumusta naman?'

"We're OK. We're really good."

NO JEALOUSY ISSUE

Hindi ba siya nagseselos kung may ibang ka-close ding babae si Ryle?

"No, I'm not gonna be jealous kung meron siyang kasamang ibang girl. Every day na sa Showtime siya.

"He’s around GirlTrends as well," pagtukoy ni Kira sa all-girl female group sa It's Showtime.

"Talagang magiging close sila because of yung samahan nila sa show nila. Ilang years na rin sila, so it's understandable.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero if it's other girls na hindi ko rin kilala, I really wouldn’t mind, you know.

"It’s a big world. The have the right to talk to whoever you want, make friends with whoever you want."


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN