Jiggy Manicad clarifies he did not seek President Duterte's endorsement

IMAGE Facebook / @iamjiggymanicad on Instagram

Former journalist Jiggy Manicad on his senatorial bid: "Hopefully, I win because I will truly serve. Hindi naman ako magiging kurakot na opisyal. So, ganun, yun lang naman ang goal ko. Of course, I want to win. Pero kung di kaloob ng Panginoon yun, hanap ka uli ng ibang paraan o option."


Nillinaw ng batikang reporter at news anchor na si Jiggy Manicad na hindi niya hiningi ang endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Jiggy, 44, ay tumatakbong senador sa ilalim ng Hugpong ng Pagbabago, ang political party na binuo ni Davao Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Duterte.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong February 19, binanggit na hindi kabilang ang mga dating senador na sina Ramon “Bong” Revilla Jr. at Jinggoy Estrada at si Jiggy sa mga inendorso ng Pangulo.

Gaya ni Jiggy, sina Bong at Jinggoy ay nasa ilalim ng partidong Hugpong ng Pagbabago.

Ang mga inendorso ni Pangulong Duterte ay ang mga kapartido nito sa PDP-Laban na sina Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, dating Metro Manila Development Authority Chair Francis Tolentino, dating Special Assistant to the President Bong Go, Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu, at dating Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

Guest candidates naman ng PDP-Laban sina Senators Sonny Angara, JV Ejercito, at Cynthia Villar; Ilocos Norte Governor Imee Marcos; Taguig Representative Pia Cayetano; at singer na si Freddie Aguilar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maliban kay Freddie, sina Angara, Ejercito, at Villar ay kabilang sa Hugpong ng Pagbabago; gayundin ang PDP-Laban candidates na sina Dela Rosa, Mangudadatu, Go, at Pimentel.  


Stories We Are Tracking

Bong, Jinggoy, Jiggy excluded from Duterte senatorial lineup
Bong, Jinggoy, Jiggy excluded from Duterte senatorial lineup

JIGGY NEVER SPOKE TO THE PRESIDENT

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph, sinabi ni Jiggy na hindi siya lumapit sa Pangulo para hilinging mapabilang siya sa mga kandidatong ieendorso nito sa May 2019 mid-term elections.

“Hindi po. Since day one, never po, kasi po ang kausap ko lang talaga is Mayor Sara,” paliwanag ni Jiggy nang makausap namin siya sa telepono, nitong Miyerkules ng umaga, February 20.

“Actually, she suggested that I talk to PRRD [President Duterte].

"Pero sabi ko, ‘Ma’am, kayo na lang po ang kakausapin ko.’”

Ibig bang sabihin nito ay ang mga kapartido niyang inendorso ni Pangulong Duterte ay lumapit sa Pangulo?

Sagot ng senatorial candidate, “Hindi po ako sure, kasi parang yung iba dun, given na, dahil talagang close sila [sa Pangulo].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal na silang magkakakilala.

“So, in my case po, hindi po siya naging option, kasi parang ang ano ko lang po talaga is Mayor Sara.

“Kasi, kumbaga, parang Freddie Aguilar, ka-batch ni Presidente yun. So, kung wavelength niya, most probably pareho sila.

“Kay Mayor Sara, dahil pareho kaming bata.

“I’m sure naiintindihan niya ang aking ipinaglalaban.”

Mataas daw ang tingin ni Jiggy kay Mayor Sara.

“Nakita ko kung gaano ka-strong leader siya, 'tapos may word of honor, integrity ang taas, well-respected din sa Davao.”

Si Sara Duterte ay tatakbo ulit bilang alkalde ng Davao City sa May 2019 mid-term elections.

Bakit hindi isinulong ni Jiggy na maiendorso siya ng Pangulo, na maaaring makatulong sa kanya pagdating sa bilang ng boto?

Paliwanag niya, “More on focus po yung si Mayor Sara ang tinitingnan ko.

"Basically, ganun lang talaga. Hindi ko naisip talaga. Si Mayor Sara kasi yung kausap ko.

“It’s more of pumunta ako ng Davao to present my platform kay Mayor Sara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung di niya ko tinanggap, uuwi akong luhaan. Pero nagulat ako, right there and then, go!

"Sa akin, sapat na yun."

CONFIDENT EVEN WITHOUT THE ENDORSEMENT

Kahit wala siyang endorsement ng Pangulo, kumpiyansa raw si Jiggy sa kanyang kandidatura.

“Maaga pa, e. And alam naman natin yung mga surveys, hindi ako believer diyan, e," pakli niya.

Sa senatorial survey ng Pulse Asia noong January 2019, si Jiggy ay kabilang sa mga kandidatong nagra-rank ng 19-26.

Sapat na raw na may suporta siya ni Mayor Sara.

Pahayag ni Jiggy, "Kasi, in the first place, si Mayor Sara lang ang nilapitan ko.

“And, of course, kung magkaroon [ng endorsement sa Pangulo], added push yun.

"But, sa ngayon, kuntento naman tayo kung saan man tayo naroon.

“Ang importante kasi sa akin, yung focus na from journalism, itinawid ko ito to really serve the people, na nakikita ko na naghihirap, nado-document ko na naghihirap. Pero as a journalist, hindi ko talaga magawan ng aksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang focus ko lang talaga really is to serve at the very least."

Nagsilbi umanong eye-opener kay Jiggy ang kandidatura niya.

“Ang pinaka-takeaway ko rito, manalo, matalo, mas naging prayerful ako.

“Mas nakita ko yung hitsura ng iba’t ibang sectors, yung landscape.

“So, ang dami kong learnings and, hopefully, I win because I will truly serve.

“Hindi naman ako magiging kurakot na opisyal. So, ganun, yun lang naman ang goal ko.

“Of course, I want to win. Pero kung di kaloob ng Panginoon yun, hanap ka uli ng ibang paraan o option,” aniya.

Kung dati ay si Jiggy ang tagapagbalita, ngayon ay siya na ang laman ng balita.

Kagaya na lamang ng mga naging pahayag niya sa mga isinagawang senatorial debates.

Isa si Jiggy sa hindi pabor na gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas, pero pabor siyang manatiling krimen ang libelo sa bansa para raw hindi umabuso ang mga mamamahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lahat ng tao ay pabor sa kanyang mga pananaw.

Pahayag ni Jiggy tungkol dito, “Ako naman kasi, lahat naman ng nanggagaling sa bibig ko ay yung totoo kong nararamdaman at totoo kong naranasan.

“Pag sumasagot ako sa tanong ng nag-i-interview, kung ano sa tingin ko yung tama.

“Of course, hindi ko lahat mapi-please.

"And kung may mga sensibilities akong nao-offend, siguro, I would have to apologize.

“Pag minsan kasi talaga, I always stand my ground because naniniwala ako na nasa side ko yung katotohanan.

"At kahit saan ka umabot, katotohanan lang naman talaga yung sandigan mo.

"Ako naman, yun lang ako. And I hope magkaintindihan na bandang huli."

BACK-UP PLAN

Kung sakaling hindi palaring manalo, babalik ba siya sa GMA Network, kung saan siya nakilala bilang journalist?

Tugon ni Jiggy, “Hindi ko naiisip 'yan kasi ang focus namin yung latag ng strategy sa campaign.

"Kasi, as a newcomer din, siyempre ang ano mo rito is logistics.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang mga problem mo rito kung saan ka pupunta, saan ka magkakampanya.

“Sa ngayon, yun muna ang focus ko.

"Saka ko na lang ko-consider yung network, yung job ko sa GMA.

“May tatlo akong award-winning programs na naiwan dun.

"Hanggang ngayon naman hinahanap tayo ng mga manonood.

"At ang feedback sa palengke at TODA ay nami-miss tayo sa mga programang yun. Magandang indication yun."

Ang tatlong news and public affairs programs na iniwan ni Jiggy sa GMA-7 ay ang Reporter’s Notebook, Quick Response Team, at 24 Oras Weekend.  

Patuloy niya, “So far, so good. Iba yung nasa ground.

"Makikita mo yung reaksiyon ng mga tao, halimbawa sa palengeke, na hindi ka kilala. Pag nakilala ka mismo...

"Ako mismo ang nagkakampanya, ako mismo nagkakabit ng tarpaulin, naa-appreciate ng tao na yung iba hindi nga bumababa dito.

"Wala kasi akong tao, so naa-appreciate ng tao yun," pagtatapos ni Jiggy.   


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN