Juancho Trivino happy for Maine Mendoza and Arjo Atayde

IMAGE Noel Orsal

Juancho Triviño on Maine Mendoza and Arjo Atayde's blooming relationship: "I'm very happy for them, kung iyon ang ikasasaya nila. I'm good friends naman with them, e."


Nakaranas ng matinding pamba-bash mula sa AlDub fans ang Kapuso actor na si Juancho Trivino noong 2018 dahil sa pagkaka-link niya kay Maine Mendoza.

Pero natigil na raw ito.

Kailan nagsimulang mahinto ang pamba-bash sa kanya?

Sagot ni Juancho, “Hindi ko po alam. Hindi ko rin po napansin.

"Kasi madalas ako mag-social media detox, every now and then.

"Siyempre kailangan sa trabaho ko ang social media, and siyempre dun kami naba-bash.

"So, every now and then, I would shut down my phone, delete my Instagram and Twitter apps para siyempre mas makapag-concentrate ako sa trabaho ko.”

Once a month, for a week, daw ito ginagawa ni Juancho.

“Mas nakakapag-concentrate ako,” diin niya.

Ito raw ang dahilan kaya hindi niya napansing unti-unti nang nawawala ang bashers niya.

Ano ang pinakanasaktan siyang pamba-bash sa kanya?

“Hindi naman ako nasaktan, pero mas naapektuhan ako, as would anyone, maaapektuhan sila siyempre kapag idinadamay na yung mga walang kamalay-malay na importante sa buhay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag idinadamay na yung family members.

"Sa lahat naman ng artista siyempre, ganun sila nakaka-offend, dun talaga.

"Isa na rin yun sa mga reasons kung bakit I started the social media detox."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa taping ng Kapuso afternoon drama series na Asawa Ko, Karibal Ko sa E. Rodriguez Avenue Sr, Quezon City, kahapon, February 20.

MAINE AND ARJO

Isa rin marahil sa dahilan kung bakit natigil ang pamba-bash kay Juancho ay dahil sa pag-amin ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde na "exclusively dating" na sila ni Maine.

Ano ang naging reaksiyon ni Juancho sa mga balita tungkol kina Maine at Arjo?

Tugon niya, “Well, I’m very happy for them, kung iyon ang ikasasaya nila. I’m good friends naman with them, e.”

Nalaman namin mula kay Juancho na kakilala na niya si Arjo bago pa man nagsimula ang pag-uugnay kina Maine at Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Arjo kasi is a friend of my ate, yung ate ko na non-showbiz," aniya.

Ayon din kay Juancho, magkaibigan pa rin sila ni Maine pero hindi na sila masyadong nakakapag-usap.

“Hindi na kasing dalas nung before dahil barkada kami dati, pero ngayon hindi na masyado.”

Sa tingin ba ni Juancho ay may relasyon na ang dalawa?

“Hindi ko alam!” natatawang sabi niya.

Kailan niya huling naka-text si Maine?

“Nakalimutan ko na, medyo matagal na rin.”

Hindi raw natatanong ni Juancho si Maine tungkol kay Arjo.

“Medyo busy rin ako, e, kasi I’m doing three shows ngayon.”

Bukod sa Asawa Ko, Karibal Ko, napapanood din si Juancho sa Bubble Gang at Unang Hirit.

Sina Juancho at Arjo ay walang number ng isa’t isa, kaya hindi naman sila matatawag na close friends talaga.

“Hindi naman kami… ano kami, acquaintance kami.”

Masaya raw si Juancho sa kung anuman ang namamagitan ngayon kina Maine at Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wish din ba ni Juancho na si Maine ay maging masaya para sa kanya at kay Joyce Pring, na nali-link ngayon sa aktor?

“I guess she is naman,” pakili niya.


Stories We Are Tracking

Arjo admits he and Maine are
Arjo admits he and Maine are "exclusively dating"
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted anew amid dating news
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted anew amid dating news
Maine Mendoza, Arjo Atayde go on a romantic date in the U.S.
Maine Mendoza, Arjo Atayde go on a romantic date in the U.S.
Maine posts photo with Arjo for the first time
Maine posts photo with Arjo for the first time

JUST FRIENDS

Muli ring itinanggi ni Juancho na may namagitan sa kanila ni Maine, higit pa sa pagiging magkaibigan.

“Hindi ho naging kami,” giit niya.

Magkaibigan at magkabarkada lamang daw sila.

Kaya raw sila natsismis dati ni Maine ay dahil lagi silang magkama.

“Barkada kasi kami, 'tsaka si Sheena. Palagi naming kasama si Sheena,” pagtukoy ni Juancho sa Kapuso actress na si Sheena Halili.

Nagkasama ang tatlo sa dating Kapuso prime-time series na Destined To Be Yours.

Nagulat ba siya noong na-link sila ni Maine? O expected na niya iyon dahil artista sila?

“Oo, pero hindi naman… it didn’t stop our friendship rin naman.”

Na-shock ba siyang na-bash siya nang bongga dahil lamang natsismis sila ni Maine na may relasyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, parang ganun naman ang nangyari din sa lahat kasi, so hindi na ako na-shock na ganun na nga yung naging case.”

Bakit hindi niya niligawan si Maine?

“We were good friends kasi,” paliwanag ni Juancho.

Kapag kaibigan ba ay hindi niya nililigawan?

“Depende pa rin naman talaga. Pero si Maine and I, wala, e, we saw each other as friends.”
 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN