Thea Tolentino, Mikoy Morales reconcile after one-year breakup

IMAGE Thea Tolentino Instagram

Thea Tolentino on why she decided to get back together with Mikoy Morales: 'Pag iniisip ko rin po kasi, parang waste of time sa akin yung mag-effort na may kilalanin pang ibang tao."


Nagkabalikan na ang Kapuso stars na sina Thea Tolentino at Mikoy Morales.

Inamin ito ni Thea nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Kapuso drama series na Asawa Ko, Karibal Ko, sa E. Rodriguez Sr. Avenue, Quezon City, kahapon, February 20.

Nagsimula ito nang tanungin ang 22-year-old actress kung nakikipag-date siya ngayon.

Sagot niya, “Not available.”

Dito na sinundan ng tanong kung nagkabalikan ba sila ni Mikoy, 25.

“Hindi ko po alam,” napangiti at namula si Thea.

“Tingnan niyo na lang po, follow niyo po ako sa Instagram, @theatolentino,” hirit pa ni Thea na tumatawa.

Nang i-check namin ang Instagram account ng Kapuso actress, may isang post kung saan makikitang masayang nakakandong si Thea kay Mikoy.

May isa ring larawan na may hawak na bouquet of flowers ang dalaga.

Maiksing caption dito ni Thea: “Eh nasa Cebu ka…”

Sa panayam ng PEP.ph kay Thea, nalaman namin ang kuwento sa caption sa Instagram post niya ng larawan nila ni Mikoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pala sila nagkasama noong Valentine’s Day dahil nasa Cebu si Mikoy, pero nagawa ng binatang makapagpadala ng bulaklak para sa kasintahan.

THE RECONCILIATION

August 2017 nag-break sina Thea at Mikoy matapos ang apat na taong relasyon.

Noong 2018 sila nagkabalikan matapos ang isang taong breakup.

“Bigla na lang ulit, last year,” sabi ni Thea tungkol sa kanilang balikan ni Mikoy.

Nanligaw ba ulit si Mikoy sa kanya?

“Walang ganun. Parang bigla lang po talaga.”

Ano ang naging realization nila kaya sila nagkabalikan?

“'Ay, huwag nating lokohin ang sarili natin!' Charot!

“Hindi… mag-best friends din po kasi kami.

“Ang hirap din naman na hindi mag-care for each other,” pahayag ni Thea.

Maging noong hiwalay sila ay nanatili raw ang friendship at closeness nilang dalawa.

“Same set of friends.”

Is love sweeter the second time around?

“Oo,” pagsang-ayon ng dalaga.

NO LABEL

Mas sweet ba si Mikoy ngayon, mas may effort magpakita ng pagmamahal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Thea, “Parehas lang naman. Parang, paano ba… hinahayaan lang namin. Basta…

“Sabi nila magulo daw yung set-up namin.”

Bakit magulo?

“Wala kaming label. Ever since, ever since wala.

“Pero yun nga, napapag-usapan namin na parang, hindi naman kailangan ng label, kasi as long as nagkakaintindihan kayong dalawa.

“’Tapos iyon yung nagwu-work sa inyo, okay lang.

“Walang label pero alam namin sa isa’t isa.”

Dagdag ni Thea, “Nasa dalawang tao naman po kung ano ang nagwu-work dun sa relationship.

“Ang gusto ko po sa relationship namin, open kami sa isa’t isa.

"Na kunyari, yung mga malalalang bagay, kunyari, ‘Ay, nakasama ko si ano, yung ex ko, nag-usap kami, kumain kami sa labas.’

“Kunyari ganun, okay lang sa amin na sinasabi yun.

"Kahit yung mga grabeng ang hirap sabihin, ganun kami, na inu-open pa rin namin, kasi mas okay na pinag-uusapan kesa sa may itinatago.”

Na-miss daw nila ang isa’t isa dahil kahit magkasama sila noong break sila ay iba pa rin kapag magkarelasyon sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya raw ang dalawa na nagkabalikan sila.

NOBODY BUT YOU

Ano ang mayroon kay Mikoy kaya ito pa rin ang mahal niya?

Sagot ni Thea, “Ano ba ‘yan… ang hirap…

“Ewan ko… siguro… pag iniisip ko rin po kasi, parang waste of time sa akin yung mag-effort na may kilalanin pang ibang tao.”

Kahit noong hiwalay sila ay hindi raw nakipag-date o nag-entertain ng manliligaw si Thea.

“Parang nakakapagod yung, ‘Hi, Thea… Oh, I like this! Ah, you like that…’”

Kahit si Mikoy ay raw walang ibang niligawan.

Walang specific na petsa ng anibersaryo sina Thea at Mikoy

“Wala kaming sine-celebrate na kunyari, monthsary.

“Binibilang lang namin kung kailan nagkaaminan. Ganun!” at tumawa si Thea.


Stories We Are Tracking

Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up
Kapuso stars Mikoy Morales and Thea Tolentino break up
Thea Tolentino speaks up about breakup with Mikoy Morales
Thea Tolentino speaks up about breakup with Mikoy Morales
Thea Tolentino remains friends with ex-BF Mikoy Morales
Thea Tolentino remains friends with ex-BF Mikoy Morales
Mikoy flattered ex-GF Thea finds him incomparable
Mikoy flattered ex-GF Thea finds him incomparable


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN