Trip Ni Kris producer breaks silence on Kris Aquino: "Nightmare siya sa akin!"

IMAGE Noel Orsal

Trip Ni Kris producer and businesswoman Doray Morales (left) says she's not afraid of Kris Aquino (right): "Ano naman gagawin niya sa akin, malapit na ako mamatay?"


Matapos ang halos dalawang taon, binasag ni Rhodora Pascual Morales ang pananahimik tungkol kay Kris Aquino, na nagsalita noon laban sa kanya at sa anak na si Renan Morales.

Si Rhodora—na mas kilala sa palayaw niyang Doray—ang producer ng special travel show ni Kris na Trip Ni Kris, na umere sa GMA-7 noong April 9, 2017.

Pagkatapos ng airing ng Trip Ni Kris, may mga rebelasyon si Kris tungkol kay Doray at sa anak nitong si Renan, na noon ay konsehal ng San Antonio, Nueva Ecija.

Sa exclusive interview ni Kris na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Abril 10, 2017, pinabulaanan ng TV host-actress ang bali-balitang nag-uugnay sa kanila ni Renan.

Pakiramdam raw ni Kris ay “super nagamit” siya ng mag-ina sa paglabas ng balitang ito.

Sinabi pa ni Kris na “super na-delay” ang bayad sa ginawa niyang TV special.

Si Doray ay nagmamay-ari ng 16 kumpanya, kabilang na ang pagsu-supply ng kuryente sa Nueva Ecija, pharmaceuticals, brokerage, forwarding and logistics companies, consultancy, aviation, land development, at travel industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Renan naman ay isang professional race car driver. Napanalunan niya ang Ferrari Challenge Cup Asia noong 2005.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino issues public apology to<em> Trip Ni Kris</em> producer
Kris Aquino issues public apology to Trip Ni Kris producer
<em>Trip Ni Kris</em> producer mum about Kris Aquino's allegations
Trip Ni Kris producer mum about Kris Aquino's allegations
Renan Morales clarifies allegations of Kris Aquino
Renan Morales clarifies allegations of Kris Aquino

DORAY MORALES SPEAKS UP

Nakausap si Doray ng entertainment media, kabilang ang PEP.ph, sa labas ng presscon ni Ricky Reyes para sa 35th anniversary ng Filipino Hairdressers Association (FilHair) kahapon, Huwebes ng tanghali, February 21.

Isa si Doray sa masugid na tagasuporta ng mga proyekto ng FilHair at sa beteranang beauty guru na si Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Doray, may isang dating maimpluwensiyang tao, na hindi na niya gustong mapangalanan, na lumapit sa kanya upang ipag-produce si Kris ng travel special.

"Ang nanghingi ng tulong nun si— na bigyan siya ng trabaho at that time.

“Nag-request kasi wala siyang [Kris] ginagawa that time, so pinagbigyan ko.

“I really liked Kris."

Sa interbyu, pinabulaanan muna ni Doray ang paratang ni Kris noon na "super delayed" ang talent fee nito para sa show.

Ikinagulat daw ito ng negosyante, "The thing is, nung bandang huli, bakit siya nagsinungaling na hindi ako nagbayad, e, advance yung bayad ko sa kanya?"

Nalaman pa nga raw niyang di hamak ay mas malaki ang ibinayad niya kay Kris kaysa sa madalas ibayad ng ibang prodyuser.

“And nalaman ko, sobrang malaki yung hiningi niyang bayad sa akin. More than sa iba na ibinayad sa kanya.”

Magkano ang talent fee ni Kris sa Trip Ni Kris?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Doray: “Sa kanya, mga six-million plus lang naman.

"Two million lang yung ibinayad sa kanya ng iba.

"Well, umoo na ako, ano ang magagawa natin?

“Ako ay may palabra de honor. Kung nasabi ko 'yan, mamatay ako o mabuhay, gagawin ko."

Paano kung sabihin ni Kris na hindi totoo ang kanyang mga sinasabi?

“Marami akong ebidensiya na bayad siya,” diin ng negosyante.

Bilang blocktimer, binayaran din ni Doray ang GMA-7 para maipalabs ang Trip Ni Kris sa Kapuso network.

Lahat-lahat, P20 million daw ang nagastos niya para sa travel show ni Kris.

DORAY ON KRIS: "NIGHTMARE SIYA SA AKIN!"

Hindi niya naisip magsampa noon ng reklamo dahil sa mga paratang ni Kris?

Sagot ni Doray, “Hindi, pinabayaan ko na lang. Ikaw naman, e, nanghingi yung tao sa akin...

“Sabi ko nga, sana hiningi na lang yung mahigit P20 million, ibinigay ko na lang, di ba?

“For that very short [travel show], gagawin ko sana every day, every other day. Wala. Nawalan ako ng gana, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, hindi sukatan ang pera sa tao na maging kaibigan mo. Just be natural and you be honest, yun lang.”

Ayon kay Doray, ngayon lamang siya naglakas-loob magsalita tungkol sa naging kontrobersiya nila ni Kris.

“Nagtago nga ako. Ngayon na lang ako nagsalita, e.”

Mula ba noon ay hindi na nagparamdam si Kris sa kanila? Nagkaroon ba ng closure ang kanilang alitan?

Sagot uli ni Doray, “Hindi, ayoko na. Hindi na kailangan.

“Ako, I kept quiet. I kept silent and my family."

Sumunod na pinabulaanan ng businesswoman ay ang kuwentong hinabol ng anak na si Renan si Kris.

"Hindi naman humahabol yung anak ko sa kanya. Excuse me, napakaguwapo nun at moneyed.”

Tingin nga ni Doray, si Kris ang may pagtingin noon kay Renan.

“Kasi crush niya yung anak ko. Guwapong bata, nakita niya naka-Lamborghini, naka-jet, naka-helicopter..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Renan Morales with Kris Aquino
 IMAGE Facebook

Hindi na talaga sila ulit nagkausap ni Kris?

Matapang na sagot ni Doray, “Hindi na, hindi na. Nightmare siya sa akin!

"Pag nakita ko nga sa TV, pinapatay ko."

Hindi raw natatakot si Doray na balikan siya ni Kris.

“Ano naman gagawin niya sa akin, malapit na ako mamatay?” buwelta niya.

Maraming tagahanga si Kris, maaaring i-bash siya ng mga ito.

“E, di i-bash nila. E, wala naman ako pakialam dun, wala namang sisiraing kinabukasan, sira na ako, e.

“Nagpo-produce lang ako ng kuryente, tumutulong naman ako sa karamihan.”

Tanong ng entertainment reporters: hindi ba siya natatakot kay Kris?

“Hindi. Come and get me,” hamon niya kay Kris.

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Kris Aquino kaugnay ng mga pahayag ni Doray Morales.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
Kris Aquino shuts down rumors linking her to councilor
<em>Trip Ni Kris</em> producer mum about Kris Aquino's allegations
Trip Ni Kris producer mum about Kris Aquino's allegations
Renan Morales clarifies allegations of Kris Aquino
Renan Morales clarifies allegations of Kris Aquino


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN