Malacanang reacts to Catriona Gray's stand on proposition to lower age of criminal liability

IMAGE Allan Sancon / YouTube ABS-CBN

Presidential Spokesperson Salvador Panelo says Miss Universe 2018 Catriona Gray may have been misinformed about the details of the proposition lowering the age of criminal liability.


“She may have been misinformed of the facts…”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang reaksiyon sa sagot ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang matanong tungkol sa panukalang-batas na naglalayong ibaba ang age of criminal liability.

Sa report ng News5 nitong February 20, Miyerkules, tinanong ang beauty queen tungkol sa House Bill 8858, na kung maaaprubahan ay ibaba sa 12-anyos ang minimum age ng criminal liability sa mga bata, sa halip na 15-anyos.

Ang sabi ni Catriona, posibleng ang “external pressures,” kagaya ng kondisyon ng pamumuhay o mga taong nakapaligid sa mga bata, ang nag-uudyok sa mga itong gumawa ng krimen.  

Mas makatutulong daw kung ang "external pressures" na ito ang tututukan at mabibigyan ng solusyon.

“I feel, like, that would be a better long-term solution rather than just locking up, well, not locking up kids, but once you label a child in a way that the child [is] in conflict with the law, how are you bringing them up to see themselves or the community?” pahayag ni Catriona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MALACAÑANG REACTS

Nag-react naman dito ang Malacañang, sa pamamagitan ni Panelo, sa isang news briefing ngayong Huwebes, February 21.

Sabi ni Panelo: "She should be educated—hindi, ang ibig sabihin ng educated, she may have been misinformed of the facts given the opposition to the lowering [of the age of criminal liability] comes from yung mga dating kritiko ng administrasyon."

Diin pa ni Panelo, ang mga batang mapapatunayang in conflict with the law ay hindi ikinukulong, kundi isinasailalim sa rehabilitation.

"We are precisely focusing on the problem because the problem is they are engaged in crimes.

“What will we do? We will have to rehabilitate them, learn why they committed these crimes and then put them back to society.”

Sa ilalim ng House Bill 8858, ang mga batang may edad 12 hanggang 18 na gumawa ng seryosong krimen ay ipapasok sa Juvenile Intervention and Support Center, gaya ng Bahay Pag-Asa.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN