Maja Salvador, rumored boyfriend Rambo Nunez photographed holding hands at event

IMAGE Photos from Instagram (Credit to the owner/s)

Maja Salvador and rumored boyfriend Rambo Nuñez recently attended a product launch. Instagram posts also suggest that Rambo spent time with Maja's close friends, Thou Reyes and Kakai Bautista.


Lumabas si Maja Salvador kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Rambo Nuñez.

Base sa mga larawan at videos na ipinost sa social media nitong Huwebes, February 21, kasama ng dalawa ang mga kaibigan ng aktres na sina Kakai Bautista at Thou Reyes.

Sa isang larawan ay makikita sina Maja at Rambo na magka-holding hands pa. Dito ay katabi ni Maja ang ina ni Rambo na si Marilen Nuñez, isang kilalang events organizer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang larawan ay kasama nina Maja, Rambo, at Thou si Gretchen Ho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Instagram

Base sa impormasyong nakalagay sa posts, dumalo si Maja at mga kaibigan sa launch ng isang furniture brand.

Posibleng ang humawak ng event ay ang kompanya ni Rambo, na presidente ng isang marketing at advertising agency.

Sa sumunod pang Instagram Stories nina Maja, Kakai, at Thou kagabi, makikitang kasama nila si Kim Chiu sa isang bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nitong February 16, naging usap-usapan ang post ni Maja ng larawan ng bouquet of roses at Valentine card na may sweet message.

Nai-post din ang mga larawan ng aktres kung saan kasama niya ang ex-boyfriend na si Rambo.

May mga kapwa artista si Maja na tumukso sa kanya, dahilan upang magkaroon ng espekulasyong  nagkabalikan na ang aktres at si Rambo pagkatapos ng siyam na taon.

Wala pang kumpirmasyon sa panig nina Maja at Rambo kung sila na nga ulit.

Ngunit base sa mga bagong larawang lumalabas sa social media, tila may katotohanan ito.


Stories We Are Tracking

Has Maja Salvador reconciled with rumored ex-boyfriend?
Has Maja Salvador reconciled with rumored ex-boyfriend?
Maja hints at rekindled romance with non-showbiz guy?
Maja hints at rekindled romance with non-showbiz guy?


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN