GirlTrends member Chie Filomeno slams bashers for nasty claims: "Mga virus kayo ng lipunan."

IMAGE @chiefilomeno on Instagram

GirlTrends member Chie Filomeno responds to bashers who posted derogatory comments about her looks and reputation. "Feeling niyo entitled na kayo tapak tapakan kami."


Hindi nagpatinag ang GirlTrends member na si Chie Filomeno, 22, sa bashers na inakusahan siya ng mga mapanirang alegasyon, kagaya ng pagpaparetoke at pagiging “bayarang babae.”

Ang GirlTrends ay ang all-female group na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, February 21, isang basher (@cyyyyypi) ang tumawag kay Chie na "bayaring babae" at dapat daw ay tanggalin na siya sa It’s Showtime.

Isa lang ito sa mga sunud-sunod na mapanirang komento ng basher sa kanya.

May isa namang basher (@kira_balin) ang tinawag si Chie na "duleng" at nagparetoke umano ng dibdib.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito pinalamplas ng GirlTrends member at sumagot sa dalawang bashers.

Bahagi ng sagot ni Chie, “feeling niyo entitled na kayo tapak tapakan kami…. Mga virus kayo ng lipunan.”

Hindi raw siya tatahimik at pagbibigyan ang bashers.

Buong komento ni Chie (published as is): “@kira_balin oh so anong nakukuha mo sa mga pinag sasabi mong kabaliwan? [laughing emoji] mga ‘know-it-all’ pagkatapos makasapag ng fake news feeling niyo entitled na kayo tapak tapakan kami.

"Well nope, hindi pwedeng tumahimik and give you the satisfaction. Mga virus kayo sa lipunan.

"Your a-hole must be so jealous of your mouth for all the crap that you are saying. Isa ka pa @cyyyyypi"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naunang post ni Chie noong February 20, Miyerkules, sinagot niya ang isang netizen na sinabing nagparetoke siya ng dibdib dahil "biglang lumaki" ang mga ito.

Komento niya: “HAHAHHAHAHHAA TAWANG TAWA AKO! Tryo mo freebra. It helps a lot. [kissing emoji]”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN