Clint Bondad's brother Kirk posts cryptic message about "fallen relationship"

IMAGE Courtesy: @kirk_bondad on Instagram

Kirk Bondad (left) denies that his post about "fallen relationship" is for his older brother Clint Bondad (right), who recently broke up with his girlfriend of six years, Miss Universe 2018 Catriona Gray. 


Isang cryptic message ang ipinost ng nakababatang kapatid ni Clint Bondad na si Kirk Bondad sa Instagram kagabi, February 22.

Tungkol sa “nasirang pinagsamahan” ang tema nito, kaya naman maaaring ito ay mensahe din niya para sa kanyang kuya Clint.

Nagkataon din na kagabi ay inamin na ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na hiwalay na sila ni Clint pagkatapos ng anim na taong relasyon.

Lahad ng post ni Kirk, “This post is dedicated for all fallen relationship.

"A break-up from a serious relationship is never fun. You might feel miserable at first, and thats normal, but don't let it in your head.

"Bright days are ahead.

"Invest the Time to Yourself, ur Ambitions & Goals.

"Life is simple too short to suffer all day.

"Never Ever should be your Joy dependent on one person.

"Priority number 1: YOU."

Sinamahan niya ito ng quote card na may nakasulat na: "LOST YOU FOUND MYSELF (thank you, next)."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit sa comments section, may nagtanong sa kanya kung ang post niya ay para sa kanyang kapatid na si Clint.

Maiksing “no” naman ang kanyang sagot.


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN