Empress Schuck reveals how past showbiz boyfriend cheated on her

IMAGE Noel Orsal

Empress Schuck narrates how she found out that her former showbiz boyfriend was cheating on her: "Nahuli ko sa text."


Sa Hiram na Anak ay isang babaeng gagawin ang lahat para sa pag-ibig—kahit pa ang manakit nang pisikal—ang papel ni Empress Schuck bilang si Wena.

Si Wena ay kinaliwa ni Benjo (Paolo Contis) para patulan si Dessa (Lauren Young).

Sa tunay na buhay ba ay naranasan na ni Empress na kaliwain ng lalaki?

Saad niya, “May nag-cheat sa akin?

“Oo.”

Pero hindi niya ito tinaga sa kamay, tulad ng isang eksena sa Hiram na Anak sa pagitan nina Wena at Benjo.

Aniya, “Wala, hindi ko kaya.”

CHEATER SHOWBIZ GUY BF

Sa tanong kung taga-showbiz ba ang naturang lalaki ay ngumiti lamang si Empress.

Taong 2014 daw ito nangyari.

Nag-walkout lamang raw si Empress nang nabisto niya na niloloko siya ng naturang showbiz guy.

Hindi niya sinampal?

“Walang ganun,” tanggi niya.

Paano niya nalaman na nangangaliwa ang dati niyang karelasyon?

Lahad niya, “Nahuli ko sa text.”

Umamin ba ang lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huli na siya e,” at tumawa si Empress.

Ayaw i-reveal ni Empress kung sino ang showbiz guy na ito.

“Secret, e. Siyempre for his privacy, huwag na.

“And for the respect na lang of my partner,” paliwanag niya.

Karelasyon ngayon ni Empress si Vino Guingona at may anak na sila, ang tatlong taong gulang na si Athalia.

Hindi na rin daw sila naging magkaibigan ng naturang lalaki.

ONCE A CHEATER...

Kapag kinaliwa si Empress ng isang karelasyon ay nakikipaghiwalay na siya agad dito at wala ng balikan.

Sabi niya, “Ayoko na.

“Wala nang second chance once na nag-cheat ka sa akin, wala na.

“Kasi hindi ako naniniwala sa mga...

“Pag cheater, basta once a cheater, always a cheater.

“For me, ha? Iyan po ang opinion ko, e.

“Takot ako e [na masaktan], so huwag na lang.”

Ngayon, sa piling ni Vino ay maganda at smooth-sailing ang lovelife ni Empress.

Samantala, mapapanood na sa GMA simula sa Lunes ang Hiram na Anak na pagbibidahan nina Yasmien Kurdi as Miren with Dion Ignacio as Adrian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Gil Tejada, Jr. nasa serye rin sina Empress, Lauren Young (as Dessa), Leanne Bautista (as Duday), Vaness del Moral (as Alma), Rita Avila (as Hilda), Sef Cadayona (as Vince), Maey Bautista (as Engke) at Paolo Contis (as Benjo).


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN