Indie actor Kristofer King passes away

IMAGE Arniel Serato

Kristofer King, Christopher Reyes in real life, passed away Saturday evening, February 23.


Pumanaw na ang indie actor na si Kristofer King—Christopher Reyes sa tunay na buhay—ngayong gabi ng Sabado, February 23.

Isinugod si Kristofer sa Adventist Medical Center Manila kaninang umaga dahil saglit daw tumigil ang pagtibok ng puso nito.

Diabetic si Kristofer, na dinapuan din ng iba’t ibang karamdaman kasama na ang infection, pneumonia, heartburn, at sciatica.

Ngayong hapon, umapela pa ang kamag-anak ng aktor sa kabigan nitong si Coco Martin upang mabigyan sila ng tulong pinansiyal.

Nagkasama sina Kristofer at Coco sa ilang indie films, at lumabas din si Kristofer sa long-running, prime-time series ni Coco sa ABS-CBN na FPJ's Ang Probinsyano.

Ngunit ilang oras lamang ay tuluyan nang binawian ng buhay si Kristofer.

Hindi pa malinaw ang cause of death at kung anong oras tuluyang binawian ng buhay si Kristofer sa Intensive Care Unit (ICU) ng Adventist Medical Center Manila.

Kaagad naman nagpaabot ng kanyang pakikiramay ang Cannes-winning direktor na si Brillante Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip ng larawan ni Kristofer, mensahe ni Direk Brillante: “You will always be my best actor. I will miss u King.”

Kabilang sa mga pelikulang pinagsamahan nina Direk Brillante at Kristofer ay ang Masahista (2005), Slingshot (2007), Serbis (2008), Captive (2012), at Alpha: The Right To Kill (2018).

Nagpaabot din ng kanyang pakikiramay ang direktor na si Adolf Alix Jr.

Mensahe niya, "Rest in peace Kristofer King."

Nagkatrabaho ang dalawa sa mga pelikulang Imoral (2008) at Ante (2009).

Nag-post din ng mensahe ng kalungkutan ang aktor na si Kiko Matos.

Sabi niya sa kanyang Facebook post ngayong gabi: “My fellow actor, kapatid sa indie, rest in peace homie Kristofer King. Hindi ko makakalimutan mga panahong nagkasama't nagkatrabaho tayo.”

Ang huling TV shows na nakasama si Kristofer ay Ang Probinsyano (ABS-CBN), The Stepdaughters (GMA-7), at Inday Will Always Love You (GMA-7).

Ilang beses ding kinilala ang husay ni Kristofer sa pagganap.

Taong 2012, nagwagi siya bilang Best Actor sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa pelikulang Oros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong 2014, pinarangalan siya bilang New Wave Best Actor sa Metro Manila Film Festoval para sa pelikulang Maratabat.

Noong 2017, ginawaran si Kristofer ng Best Actor award sa Sinag Maynila para sa pelikulang Kristo.

Taong 2013, isinabuhay sa telebisyon via Magpakailanman ang kanyang buhay, na pinamagatang "Bayarang Adonis: The Kristofer King Story," kung saan si Aljur Abrenica ang gumanap sa kanya.

Ang ilan pa sa mga markadong pelikula ni Kristofer ay ang Ang Babae Sa Breakwater (2003), Foster Child (2007), at Tirador (2007). 


Stories We Are Tracking

Kristofer King in critical condition
Kristofer King in critical condition
Kristofer King camp appeals to Coco Martin for help
Kristofer King camp appeals to Coco Martin for help


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN