Kristofer King interment still uncertain because of money problems

IMAGE Jerry Olea / Arniel Serato

Naulila ng aktor na si Kristofer King ang kanyang misis na si Nikki at ang kanilang limang anak, na dalawa rito ay mayroong Hunter Syndrome.


Hindi pa sigurado kung matutuloy ang libing ng indie actor na si Kristofer King sa Marso 3, Linggo.

Hindi pa kasi nakukuha ng asawa niyang si Joan "Nikki" Reyes sa ospital ang death certificate ng aktor.

Pumanaw si Kristofer—Christopher Sioco Reyes sa totoong buhay—sa edad na 36, noong Sabado ng gabi, Pebrero 23.

“Hold pa yun, hindi ko pa nababayaran. P80,000 yun,” malungkot na lahad ni Nikki nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Pebrero 24, Linggo ng hating-gabi, sa Rizal Funeral Homes, sa Cementina St., Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Kapag nakuha niya ang death certificate at nailibing ang mga labi ni Kristofer, kailangan naman niyang maghagilap ng P28,000 na pambayad sa pinagbuburulan ni Kristofer.

“Kasi, P4,000 ‘to bawat gabi. Pitong gabi ang lamay, kaya bale P28,000,” malumanay na sambit ni Nikki.

Wala pa ring bayad ang kabaong ni Kristofer na P55,000 ang halaga.

Maski na yung mga bulaklak na P7,000 ay inutang din daw ni Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Jerry Olea

Nabanggit si Coco Martin nang una pang isinugod si Kristofer sa ospital dahil ilang beses nakasama ito ni Kristofer sa indie movies.

Isinama pa ni Coco si Kristofer sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagpadala na ba ng tulong si Coco?

“Sa ngayon, hindi pa po siya tumutulong. Wala pa po,” tugon ni Nikki.

1999 nagsama sina Kristofer at Nikki. Lima ang kanilang mga anak na edad 18, 12, 11, 10, at 5.

Dalawa sa mga lalaking anak ay may sakit na Hunter Syndrome, isang napakabihirang uri ng inherited genetic disorder. Kaya tuwing Huwebes ay nasa PGH ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Kristofer King's wife and children
 IMAGE Jerry Olea

Paano na ang ikabubuhay nilang mag-iina?

“Sa ngayon, hindi ko pa maisip. Ang gusto ko lang, mapaayos muna siya,” saad ni Nikki.

“Kapag napaayos ko na siya, saka ko na lang iisipin kung paano kami.

"Kasi, siya, ngayon ko na lang makikita, e," pagtukoy niya sa namayapang aktor.


Stories We Are Tracking

Indie actor Kristofer King passes away
Indie actor Kristofer King passes away
Kristofer King in critical condition
Kristofer King in critical condition
Kristofer King camp appeals to Coco Martin for help
Kristofer King camp appeals to Coco Martin for help
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN