Coco Martin visits Kristofer King's wake; will shoulder funeral costs

IMAGE Jerry Olea

Coco Martin visits the wake of fellow actor Kristofer King Monday night, February 25. Coco and Kristofer co-starred in Brilliante Mendoza's films Masahista (2005) and Serbis (2008).


Nagpadala ng bulaklak si Coco Martin sa burol ni Kristofer King nitong Pebrero 25, Lunes ng umaga, sa Rizal Funeral Homes, Cementina St., Pasay City (malapit sa Libertad).

 IMAGE Courtesy of Joan Alegre

Kuwento ng asawa ni Kristofer na si Joan "Nikki" Alegre Reyes kinagabihan nang makausap ko, bilang contributor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Natutulog kasi ako sa kuwarto... mga one hour pa lang ang tulog ko. Bandang 7 to 8 A.M., ginising ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hinahanap daw ako. ‘Ate, may naghahanap sa ‘yo. Nagbigay ng bulaklak si Coco.’

“Nagmadali ako. Nakita ko, pangalan niya. Nabuhayan ako ng loob.

“Hindi ko masyadong inaasahan si Coco. Kasi, busy siya. Alam kong bising-busy ang taong ‘yan, e...”

 IMAGE Jerry Olea

Pasado 10 P.M., ipu-phone patch na sana si Nikki ng DZRH radio program na Showbiz Talk Ganern nang dumating si Coco kasama si Direk Brillante Mendoza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Coco Martin, Direk Brillante Mendoza with Nikki and her daughter
 IMAGE Jerry Olea

Nag-usap nang masinsinan sina Coco at Nikki sa harap ng kabaong ni Kristofer.

Kalung-kalong ni Nikki ang bunso niyang babae, at kinakala-kalabit pa siya ng ibang mga anak.

Nasaksihan ko ang pagdalusdos ng masaganang luha ni Nikki habang nag-uusap sila ni Coco.

 IMAGE Jerry Olea

Nagtagal pa si Coco sa burol. Nagpaubaya ito sa mga gustong magpalitrato. Ang bunso ni Kristofer ay kumandong pa sa aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mag-a-alas onse na nang umalis ang grupo nina Coco at Direk Brillante.

 IMAGE Courtesy of Joan Alegre

Doon ko itinuloy ang interbyu kay Nikki, na tila nabunutan ng malalaking tinik sa dibdib.

Napapaluha pa rin si Nikki pero napapangiti sa pagsasalaysay:

“Nang dumating siya kanina, 'Wow... parang... ano ba ito? Inutusan ba ito ng Diyos?' Dumating siya, napaiyak na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam ang gagawin ko. Tuwang-tuwa ako... Andito na siya sa harap ng kabaong ng asawa ko.

“Tinatanong na niya ako, 'Magkano lahat ang babayaran? Ano ang nangyari? Bakit namatay siya? Bakit biglaan?'

“Sinabi ko naman lahat-lahat sa kanya."

 IMAGE Courtesy of Joan Alegre

Patuloy ng misis ni Kristofer, “Tapos, sabi niya sa akin, ‘Sige, sagot ko na lahat.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Diyos ko po! Para na akong binagsakan ng langit at lupa!

“Sabi ko sa kanya, ‘Buti, nakaharap kita. Kasi, gusto kong humingi ng tulong sa ‘yo. Kasi alam ko, pag ikaw, isang pitik lang, OK na.’

“Sabi niya, ‘OK na. Sige, ako na.’”

 IMAGE Jerry Olea

Hopefully, sa Pebrero 27, Miyerkules, ay makuha na ni Nikki ang death certificate ni Kristofer sa Adventist Medical Center Manila, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuloy na ang libing ni Kristofer sa Linggo ng umaga, Marso 3, sa tabi ng puntod ng mama nito sa Manila Memorial Park, Sucat, Parañaque City.

 IMAGE Jerry Olea


Stories We Are Tracking

Indie actor Kristofer King passes away
Indie actor Kristofer King passes away
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King
Coco Martin mourns death of indie actor Kristofer King
Kristofer King burial still uncertain due to money problems
Kristofer King burial still uncertain due to money problems


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN