Nadine Lustre denies copying style of James Reid's ex-girlfriend

IMAGE Instagram

Nadine Lustre (right) says she turns to Hollywood celebrities for style inspiration and does not copy anyone in particular, like Ericka Villongco (left), James Reid's ex-girlfriend.


Sinagot ni Nadine ang akusasyong ibinabato sa kanya ng ilang netizens na ginagaya umano niya ang style ng ex-girlfriend ni James Reid na si Ericka Villongco.

“No, no, parang wala,” nakangiti niyang sabi nang tanungin kung ano ang pakiramdam pag sinasabihang kinokopya niya ang style ng ibang tao.

“I think I have my own style and I look for inspiration, like from other celebrities—Hollywood celebrities.

"And I think I have my own individuality naman so I don’t see anything na parang... na parang kokopyahin ko."

Diretsahang sinagot ng aktres ang tanong, matapos mapansin ng ilang netizens na may pagkakahawig ang Instagram posts ni Nadine sa nakaraang posts ni Ericka.

May post din kasi si Ericka na tila may pinaparinggan tungkol sa panggagaya, kaya may mga nag-iisip na si Nadine ang pinatutungkulan nito.

Mensahe ni Ericka sa kanyang Instagram post noong February 8: "bitch i’m gleaming ? these rumors i’ve been hearing are annoying affff, hate to bring up this ???? again but its still not okay to completely copy someone else's style.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"its absolutely fine to be inspired by something, but when you obviously replicate everything & try to change yourself you've gone too far.

"when you copy an art style you pretend to have, you lose yourself"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa press conference ng pelikulang Ulan, na ginanap sa The Felicidad Mansion, Quezon City, noong February 23.

GROWING APART

Hindi itinanggi ni Nadine na nanibago siya dahil hindi ang real at reel love-team partner na si James Reid ang kasama niya sa Ulan.

Ang leading men niya rito ay sina Carlo Aquino at Marco Gumabao.

Saad ni Nadine, “Siyempre po, nakakapanibago, kasi sanay nga po ako na nandiyan palagi si James. Siya po ang palagi kong kaeksena.

"Pero hindi naman po ako nahirapan. Kasi sobrang sarap pong magtrabaho para sa movie na ‘to."

Naging maayos naman daw ang working relationship ni Nadine sa kanyang co-stars na sina Carlo at Marco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Marco, kilala ko matagal na.

"Si Carlo naman po, ngayon pa lang po kami nagkasama, pero sobrang naka-vibes ko na talaga silang dalawa.

"At saka, kuwentuhan po kami. Happy set po kami palagi."

Sa tingin ni Nadine ay nakakabuti na gumagawa sila ni James ng magkahiwalay na proyekto. 

Aniya, “I think it’s good kasi, stepping stone for the both of us, individually.

"And I think, it’s good like what I said kanina, we’re growing together but we’re also growing apart.

“So, I think that’s the best thing.

“Hindi kami naka-stuck sa ganito lang, at least naggu-grow pa rin kami kahit papaano, kahit hindi kami palaging magkasama.”

Ang huling pelikula nina Nadine at James ay ang Never Not Love You noong early 2018.

Kaya naitanong kay Nadine kung choice ba nila ni James na mag-slow down muna sa pagsasama sa proyekto.

Tugon ng aktres, “Actually, what I wanted to do po talaga after Never Not Love You is to be more creative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like, do projects na medyo creative. Tina-try ko naman po na magsulat, make music, yung ganun.

“Meron nga pong label si James and I’m also an artist under him, so parang gusto ko pa naman pong ma-explore yung pagiging creative ko.

"Sometimes, nagpi-paint po ako if I have time. And yun nga po, nagsusulat."

Sabi pa niya, “It’s more of a recharge ba.”

Kinumusta rin namin kay Nadine si James, na ang huling proyekto na balitang dapat ginagawa na ay ang Pedro Penduko, pero naka-hold pa ito dahil sa naging injury nito.

Saad ni Nadine, “Music po talaga ang inaatupag niya ngayon. Dun po talaga, consistent, tuluy-tuloy.

“Kasi nga, hindi nga po siya ulit makapag-training dahil sa tendonitis niya.”

Hindi raw makakapag-shooting si James ng Pedro Penduko hangga’t hindi pa ito talaga gumagaling.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN