Alessandra de Rossi's mother pokes fun at her lack of love life: "For sale ka na!"

IMAGE @msderossi Instagram

Alessandra de Rossi's mom teases the actress for having no boyfriend while they are vacationing at a luxury resort in Palawan: "Kailan pa ba ako babalik dito? Pag nag-asawa ka? Tagal-tagal pa nun! Nawawalan na ako ng pag-asa."  


Inabot nang katakut-takot na pang-aasar si Alessandra de Rossi dahil sa kawalan niya ng love life sa edad na 34. 

Mismong ang kanyang ina na si Nenita Schiavone ang nagsabing naiinip na siya dahil hanggang ngayon ay single pa rin ang Filipino-Italian actress. 

Base ito sa kulitan nilang mag-ina habang sila ay nagbabakasyon sa Amanpulo, isang private luxury resort sa Palawan. 

Sa isang video, kinukunan ni Alessandra ang kanyang ina habang ito ay abala sa pagmamaneho ng golf cart na sinasakyan nila. 

Tanong ng aktres, "Saan ba talaga tayo papunta?" 

Sagot ng kanyang ina, "Sa clubhouse, maghahanap tayo ng mapapangasawa mo dun, kahit waiter!"

Natatawang komento ni Alessandra, "Ba't ka umabot dun?" 

Natatawang biro ulit ni Nenita, "O, di ba, early birds? Kaysa naman sa worm! O, di ba?"

Hindi agad madiretsa ng ina ni Alessandra kung ano ang pinupunto nito.

Sabay dagdag nito, "Ayoko, baka ma-offend ka! Hahaha!" 

Napatanong ulit si Alessandra, "Bakit naman ako mao-offend?" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang hirit ng kanyang ina, "E, kasi... for sale ka na! Sale ka na! Sale ka na!"

Panay ang kulitan ng mag-ina base na rin sa iba pang Instagram videos ni Alessandra. 

Isa nga rito ay diretsahan nang sinabi ni Nenita na naiinip na siya kung kailan lalagay sa tahimik ang anak. 

Ito ay habang inaasar ni Alessandra si Nenita tungkol sa pag-asta raw nitong "sosyal" at pagpapa-picture sa tinutuluyan nilang luxury resort. 

Prangkang sagot ni Nenita, "Aba'y times of your life yun, di ba? Once in your life! 

"Kailan pa ba ako babalik dito? Pag nag-asawa ka? Tagal-tagal pa nun! Nawawalan na ako ng pag-asa!" 

Napahagalpak na lang ng tawa si Alessandra, na halatang aliw na aliw sa game na pakikipagkulitan ng kanyang ina. 

Bahagi pa ng caption ni Alessandra sa naturang video, "A short story of a desperate mother. @ermatsko #sanpapuntangpuring bat napunta sa akin??! [laughing with tears emojis]" 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang totoo ay naroon sila bilang bahagi ng family get-together at birthday celebration para sa nakatatandang kapatid ni Alessandra na si Assunta de Rossi.


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN