Kris Aquino camp on junked qualified-theft complaint vs Nicko Falcis: "Hindi pa tapos ang laban."

IMAGE Cyrus Panganiban / Courtesy: @nix722 on Instagram

Kris Aquino's lawyer Sigfrid Fortun on dismissed qualified-theft complaint against Nicko Falcis in the prosecutor's office of the cities of Pasig and Makati: "There are still 6 other cases left. The result of the 2 will not affect the 6 others."


#KrisAquinoVsNickoFalcis

Wala pang dapat ipagbunyi ang kampo ni Nicko Falcis sa panalo nito sa dalawang city prosecutor's office kaugnay ng inihaing qualified-theft complaint ni Kris Aquino.

Ito ang sinabi ng abugado ni Kris, na si Atty. Sigfrid Fortun ng Fortun Narvasa Salazar Law Office, sa ipinadala nitong pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, February 27.

Kinuha ng PEP.ph ang reaksiyon ni Atty. Fortun matapos ibasura ng Pasig Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ng kanyang kliyente laban sa dating business associate nitong si Nicko.

Nauna nang naibalita ang dismissal ng Makati Prosecutor’s Office sa kahalintulad na reklamo ni Kris laban kay Nicko.

Pahayag ni Atty. Fortun: “There are still 6 other cases left.

“The result of the 2 will not affect the 6 others.

“Even if it does, none of the dismissed cases found absence of wrongdoing by respondent.

“It in fact found that credit was used by respondent for the purchase of goods using a company card.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, he is not yet off the hook.

“And he will still have a lot to pay for what he had done.

“Hindi pa tapos ang laban.

“Huwag muna umastang panalo na.”

Bukod sa qualified theft, ang isa pang kinakaharap ni Nicko ay ang civil case for damages na isinampa ni Kris sa Quezon City Regional Trial Court.

Ito ang tinutukoy ni Atty. Fortun na ika-anim na kaso.

Noong October 2018 ay sinampahan ni Kris si Nicko ng 44 counts of qualified theft sa pitong siyudad sa Metro Manila, kasama ang Pasig at Makati, at mga siyudad ng San Juan, Mandaluyong, Taguig, Manila, at Quezon City.

Nag-ugat ito sa diumano'y paggamit ni Nicko ng credit card ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP), ang pag-aaring kumpanya ni Kris, nang walang pahintulot.

Inakusahan ni Kris si Nicko ng pagnanakaw ng halagang umaabot sa 1.270 million.

Humihingi si Kris ng danyos na aabot ng P32.27 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Kris theft complaint against Nicko dismissed by Makati court
Nicko
Nicko "grateful, humbled" by dismissal of Kris complaint
Kris camp disses dismissal of theft complaint vs Nicko
Kris camp disses dismissal of theft complaint vs Nicko
Pasig prosecutor dismisses Kris theft complaint vs Nicko
Pasig prosecutor dismisses Kris theft complaint vs Nicko


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN