Carlo Aquino confirms sighting with non-showbiz girl

IMAGE IMAGE @mystiqueunicorn8888

Carlo Aquino refuses to elaborate on the real deal between him and the non-showbiz girl seen with him in La Union. 


Sa kauna-unahang pagkakataon, kinumpirma ni Carlo Aquino na "totoo" ang kumalat niyang litrato kasama ang isang non-showbiz girl. 

Kaugnay ito ng naglabasang photos ni Carlo kasama ang isang nagngangalang Trina Candaza habang nakasakay sila sa jet ski sa La Union noong January 2019. 


Stories We Are Tracking

Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union
Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union

Binasag ni Carlo ang kanyang katahimikan hinggil sa isyu sa ulat ng entertainment reporter na si MJ Felipe sa ABS-CBN News Online kagabi, February 27. 

Pero hindi nagdetalye si Carlo kung ano ang eksaktong ugnayan nila ng naturang non-showbiz girl. 

Aniya, "Naniniwala kasi ako na may ibang mga bagay na kailangan mong kini-keep private, para kaya mong tumayo in private. Ganun na lang yung ginagawa ko." 

Aminado si Carlo na umalma ang ilang CarGel—Carlo at Angelica—fans nang mamataang may kasama siyang non-showbiz girl.

Marami umano ang umasang nagkakamabutihang muli si Carlo at ex-girlfriend nitong si Angelica Panganiban, lalo na nang magbalik-tambalan sila sa pelikula noong September 2018. 

Noong January 2019 ay tatlong magkakahiwalay na okasyon nakunan ng litrato si Carlo at si Trina. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakaligtas sa mapanuring netizens na bukod sa pagpunta nila sa La Union ay nakita rin ang dalawa na kumakain sa isang restaurant sa Makati, at sinasabing nagkita rin sila sa isang foot spa/salon noong buwan ding iyon. 

Pero sa kabila ng pagkakasangkot ni Carlo sa isang non-showbiz girl, nanindigan ang binatang mas mabuting hayaan na lang niya kung anuman ang opinyon ng ibang tao. 


Stories We Are Tracking

Angelica on friendly terms with Carlo after issue with fans
Angelica on friendly terms with Carlo after issue with fans
Angelica, Carlo post sweet videos together amid falling out
Angelica, Carlo post sweet videos together amid falling out
Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union
Carlo Aquino spotted with non-showbiz girl in La Union
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?
Angelica Panganiban heartbroken because of Carlo Aquino?


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN