Jameson Blake denies courting Elisse Joson: "There's nothing special... wala."

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Jameson Blake on reports that she's courting Elisse Joson: "That's what people thought, pero hindi naman talaga. I'm not courting her or anything. I don't want things to happen just like that."


Nilinaw ni Jameson Blake na walang espesyal na namamagitan sa kanila ni Elisse Joson.

Nabigyan lang daw ng maling interpretasyon ang interview niya sa Tonight With Boy Abunda.

Sa naturang interview, sinabi ng Hashtags member na si Elisse ang huling babaeng nagpakilig sa kanya.

On the spot ay nakagawa rin si Jameson ng haiku para sa Kapamilya actress.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jameson sa may Quezon City noong nakaraang linggo, sinabi nitong magkaibigan lang sila ng dating co-star sa ABS-CBN prime-time series na Ngayon at Kailanman.

Aniya, "Wala, we're just friends.

“We're getting closer after we've met sa Ngayon at Kailanman.

“Nothing more than that, we're still good friends."

Hindi raw niya nililigawan ang dalaga.

Saad ni Jameson, "That's what people thought, pero hindi naman talaga.

“I'm not courting her or anything. I don't want things to happen just like that.

“Siyempre we're just friends, at first you get to know the person more.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There's nothing special... wala."

POEM FOR ELISSE

Binigyang linaw rin ni Jameson ang on the spot na tula o haiku na ginawa niya para kay Elisse.

Aniya, "Nagsusulat talaga ako ng poem so it’s really easy for me."

Patuloy ng binata, “She's a friend of mine, she's a nice girl.

"She’s being herself, I like how she's being her.

“She's really nice and she likes to make jokes din.

“She's fun to talk to, she's fun to be with. I enjoy her presence.”

Pero sa ngayon daw ay hindi sila nagkikita.

"As of now, hindi, kasi busy talaga. With Showtime and everything… and she's being busy too."

MCCOY DE LEON

Sinabi rin ni Jameson na hindi niya kailangang magpaalam kay McCoy de Leon na ligawan si Elisse dahil wala sa plano niya ngayon ang magka-girlfriend.

Dating magka-love team at magkarelasyon sina Elisse at McCoy.

Saad ni Jameson, "Never ko siyang tinanong, like, puwede ko ba siyang ligawan ‘coz I have no plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, everyone knows what happened between the two of them...

"Wala, as usual, we're still friends hanggang ngayon.

"Siyempre trabaho muna tayo. I always say that even before pa.

“Trabaho talaga ang main priority ko, family, my friends.

“I feel good, like, I'm getting these projects left and right.

“I don't want to ruin my momentum."

Wala rin daw nabago sa samahan nila ng kapwa Hashtags member na si McCoy.

“Kami naman ni McCoy, we just talk pag Hashtag lang, pag Showtime, pero di kami masyadong lumalabas.

“Before lang we played games together. Yun lang naman, we're cool."


Stories We Are Tracking

Elisse clarifies reported love trouble with McCoy
Elisse clarifies reported love trouble with McCoy
Elisse lectures some McLisse fans about 'hurting others'
Elisse lectures some McLisse fans about 'hurting others'
Elisse Joson confirms McCoy de Leon unfollowed her on IG
Elisse Joson confirms McCoy de Leon unfollowed her on IG
Is Jameson Blake dating Elisse Joson?
Is Jameson Blake dating Elisse Joson?


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN