Derrick Monasterio does not mind being sexualized: "Nakakasarap din sa feeling."

IMAGE Noel Orsal / Instagram (Derrick Monasterio)

Kapuso actor Derrick Monasterio clarifies that his sexy Instagram posts are done with taste: "Parang more on art pa rin ang sa 'kin, more on inspiration."


Walang nakikitang masama si Derrick Monasterio kung ma-objectify man siya dahil sa pagpapakita ng kanyang katawan sa social media, TV o pelikula.

“Well, okay lang, kasi compliment din naman, e.

"Kahit girl pa siya, kahit gay pa siya, pag nakikita nilang desirable ka, at least nakakasarap din sa feeling," paliwanag ng 23-anyos na Kapuso actor sa pocket press conference ng Dragon Lady noong February 26, Martes.

Si Derrick, kasama sina Bea Binene at Kristoffer Martin, ay magkakaroon ng special participation sa upcoming afternoon Kapuso drama series na ito na pagbibidahan nina Janine Gutierrez at Tom Rodriguez.

Sa kanyang Instagram account, marami sa mga larawan ni Derrick ay nagpapakita ng maganda niyang pangangatawan at kadalasan ay naka-topless siya.

View this post on Instagram

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

Pero diin ng aktor, may taste naman ang mga ipinu-post niyang mga larawan sa social media.

“Actually, minsan hindi ko sinasadya. Minsan sinasadya, pero hindi yun ang intention.

“Kasi yung sinasadya, meron talaga akong nakita na talagang pumu-pose talaga, gwapong-gwapo sa sarili, hinahawakan talaga yung katawan niya, parang…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw ganun ang kanyang intensiyon.

“Parang more on art pa rin ang sa ‘kin, more on inspiration,” paglilinaw ni Derrick.

View this post on Instagram

Lost in your world

A post shared by Derrick Monasterio (@derrickmonasterio) on

SEXUAL COMMENTS

Inamin ni Derrick na may mga netizen na nagkokomento nang bastos sa kanyang posts, pero hindi raw siya nao-offend.

“Bastos, marami, pero wala namang offensive para sa ‘kin.

“Hindi ko nakikitang offensive... yung mga bastos, yung mga parang sine-sexually abuse ka nila sa internet, hindi ako nao-offend.

“Mostly kasi pag sa babae ginawa yun, bastos.

“Sa akin, hindi naman. Hindi ko alam kung bakit.”

Hindi raw siya naiinsulto sa mga bastos na salita. Pero kung idinaan sa gawa, ibang usapan na raw ito.  

Ikinuwento rin ni Derrick ang isang pagkakataong nahipuan siya pero wala siyang nagawa.

“May mga na-experience naman ako. Sa Cosmo nahipuan na ako.”

Ang tinutukoy ni Derrick ay ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash, kung saan pumaparada ang male celebrities and models upang pangkiliti sa female and gay audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naging reaksyon niya matapos mahipuan?

Sagot niya, “Wala, okay lang.

“Ganun talaga kasi ibinigay mo ang sarili mo sa tao, e.

“Ginawa ko kasi nun, parang nag-kneel ako para maabot nila ako. 'Tapos bilang hinawakan.

“Wala ka namang choice. Alangan naman suntukin mo yung tao, magalit sa 'yo.” 


ABOUT THE AUTHOR


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN