Sunshine Garcia and Alex Castro are now married

IMAGE Courtesy of Erron Ocampo of MyMetroPhoto

Sunshine Garcia tied the knot with Alex Castro earlier today, March 2, at the Manila Cathedral in Intramuros, Manila.


Ikinasal na ang long-time couple na sina Sunshine Garcia at Alex Castro ngayon araw, March 2.

Si Sunshine ay dating miyembro ng Sexbomb Dancers at kabilang sa cast ng ABS-CBN comedy show na Banana Split.

Si Alex naman ay dating singer na pumasok sa pulitika. Kasalukuyan siyang Board Member ng 4th district ng Bulacan.

Ginanap ang kanilang church wedding sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila, at dinaluhan ito ng kanilang malalapit na kamag-anak at kaibigan.

Present sa kasal ng dalawa ang Banana Split co-stars ni Sunshine na sina Angelica Panganiban at John Prats.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @labellefete on Instagram

Kabilang sa mga bridemaids ni Sunshine ang mga dati nitong kasama sa Sexbomb na sina Miya Pangyarihan at Johlan Veluz.

Bridesmaid din ni Sunshine sina Aiko Climaco at Rovie Cabigquez na mas kilala bilang Mariposa.

Kasama rin sa wedding entourage ng dalawa sina Pooh, Jake Cuenca, Joseph Marco, at ang talent manger na si Allan Altera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screengrab from @allanaltera on Instagram

Kasalukuyan namang ginaganap sa grand ballroom ng Sofitel Philippine Plaza Manila ang wedding reception nina Sunshine at Alex.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sunshine, sinabi nitong maigi nilang pinaghandaan ang kanilang kasal.

Aniya, "We made sure na binibigyan namin ng time yung wedding.

"Nag-a-allot talaga kami ng time, minsan may mga event siya na hindi niya na napupuntahan dahil may sked kami regarding sa wedding.

"Super hands-on din ni Alex sa wedding, ayaw niya may nami-miss."

Mahigit tatlong taon rin ang naging relasyon nina Sunshine at Alex bago sila kinasal.

Noong December 2017, inanusyo ng dalawa ang kanilang engagement sa Instagram.

Nitong September 10, 2018 naman ipinanganak ni Sunshine ang kanilang anak na si Baby Axel.

Si Alex ay may panganay na anak na lalaki na si Ashton.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN