Alden Richards to guest on Maine Mendoza's show after she confirmed dating Arjo Atayde

IMAGE Courtesy: Box Office Queen Maine Mendoza of Facebook / @DirekChrisM on Twitter

Daddy's Gurl director Chris Martinez to bashers: "ANO ANG GUSTO NYONG MARAMDAMAN KO? Just stop. Wag ganun. Don't take it out on me and my team."


Hindi man aminin ng marami, nagkaroon ng backlash ang pagkumpirma ni Maine Mendoza na "dating" na ang status nila ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Ito ay dahil marami pa rin ang loyal sa phenomenal love team na AlDub nina Maine at Alden Richards, na nabuo sa "Kalyeserye" ng Eat Bulaga! noong 2015.

Isang araw pagkatapos aminin ni Maine sa kanyang blog ang totoong estado ng relasyon nila ni Arjo, binulabog ng fans at bashers ang Twitter account ng direktor na si Chris Martinez.

Si Chris ang direktor ng weekly comedy series ng GMA-7 na Daddy's Girl, kung saan bida sina Maine at Vic Sotto.

Kahapon, March 3, ay nag-post ng imbitasyon si Direk Chris sa Twitter para panoorin ang episode ng Daddy's Gurl sa March 9, Sabado, kung saan ang special guest ay si Alden.

Gaganap si Alden bilang childhood crush ng karakter ni Maine.

Ilang followers ni Direk Chris ang nagkomentong iyon na raw ang huling pagkakataong panonoorin nila ang show ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman, winarningan ng direktor ang ilang netizens: “Stop tagging me with tweets saying 'manonood kami pero last na'.

"ANO ANG GUSTO NYONG MARAMDAMAN KO? Just stop.

"Wag ganun. Don't take it out on me and my team.”

Sabi naman ng Twitter handle na @dangven, "Matagal ng di nanonood kahit isama nyo pa si Alden! malapit na kayong mawala!"

Tugon ng direktor, "E mauna ka nang mawala. Sa mundo."

Pero may iba rin namang ni-retweet at pinasalamatan si Direk Chris.

Narito ang ilan sa kanila:

PEPsters, manonood ba kayo sa Sabado ng Daddy's Gurl?


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Maine Mendoza finally admits to dating Arjo Atayde
Arjo posts photo of Maine after she confessed her feelings
Arjo posts photo of Maine after she confessed her feelings
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Arjo posts hugging photo with Maine Mendoza
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport
Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted at Taiwan airport


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN