Binabatikos ngayon ang mamamahayag na si Teddy Boy Locsin dahil sa pagsasabi niyang ang Tagalog ay “useless” at “shitty.”
Si Teddy Boy ay dating congressman ng Makati City. Ngayon ay isa siyang broadcaster para sa ABS-CBN News Channel (ANC).
Idinaan ng broadcaster ang kanyang kontrobersiyal na pahayag sa pamamagitan ng Twitter kahapon, March 20, kasabay ng mga reaksiyon niya sa nagaganap na PiliPinas Debates 2016.
Hindi nagustuhan ni Teddy Boy ang paggamit ng ilan sa presidential candidates ng Tagalog o Filipino sa pakikipag-debate.
Dapat din daw ay Ingles lamang ang ginagamit para sa nasabing talakayan.
Narito ang mga tweet ni Teddy Boy:
The sagutan between Poe and Mar is lousy because they used too much Tagalog, a language inappropriate to pointed debate, circular shitty.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 20, 2016
Tagalog should be discouraged. So long, so bullshitty, so useless a tongue for debate.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 20, 2016
Both Poe and Mar are masters of the civilized language of English. In a close fight, use it. Or you both sound like Chiz.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 20, 2016
English is the language of men. Tagalog sounds manly only when clipped and short like English.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 20, 2016
NEGATIVE REACTIONS. Umani ng maraming negatibong reaksiyon ang mga nasabing tweet ng dating politiko.
Ayon sa ilang netizens, 'sexist' at 'elitist' umano ang mga nasabing tweet, at sintomas din daw ito ng 'colonial mentality.'
Inihayag naman ng Tanggol Wika na nararapat na humingi ng paumanhin si Teddy Boy sa masang Pilipino.
Ang Tanggol Wika ay isang alyansa ng mga scholar at miyembro ng academe na nagtataguyod ng wikang Filipino.
Sa Facebook page ng Tanggol Wika ay ilang mga dahilan kung bakit mali ang broadcaster.
Tama raw na Filipino ang ginamit na wika sa debate dahil ito ang national language, ayon sa 1987 Constitution.
Filipino rin daw ang ginagamit ng 99 percent ng mga Pilipino, kaya’t dapat ito ang gamitin sa debate para maintindihan ng mas marami.
Binatikos din nila ang pagsasabing “bullshitty” ang nasabing wika.
Ayon sa kanila, “NO language is bullshitty. Any language CAN sound bullshitty if used by crazies. English sounds bullshitty when used by Trump but melodious when used by Bernie Sanders. Filipino sounds bullshitty when used by presidentiables in long-winded self-defenses and crude tirades but melodious when used by activists in explaining their dreams and plan for a better Philippines emptied of oligarchs and dynasties.”
Sa huli ay nagbigay ng free Filipino lessons ang Tanggol Wika para kay Teddy Boy.
Please read and REPOST our reply to Teddy Boy Locsin's misinformed rant against what he calls as Tagalog, as used in...
Posted by Tanggol Wika on Saturday, 19 March 2016
Bukas ang PEP na ilathala ang sagot ni Teddy Boy kung sakaling nais niyang magbigay ng pahayag.