Nadagdagan na naman ang mga sumusuporta kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente sa 2016 elections.
Bukod kina Chito Miranda, Neri Naig, Mocha Uson, Aiza Seguerra, at Lisa Diño, sumunod na rin sa kanilang mga yapak ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa-Sotto.
Nitong nakaraang Linggo, March 20, pagkatapos ng Presidential Debates 2016, na ginanap sa University of the Philippines-Cebu at umere sa TV5, kaagad na nag-post ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts kung bakit nila susuportahan ang kandidatura ng Davao City mayor.
Sabi ni Kristine, kailangan na daw natin ng lider na hindi takot na baguhin ang sistema sa bansa.
Ni-repost naman ito ng asawang si Oyo.
FOR FUTURE GENERATION. Ayon naman kay Oyo, si Mayor Duterte lamang daw ang naghayag ng kanyang plataporma para sa susunod na henerasyon.
Kasunod nito, ipinost din ni Oyo ang campaign ad ni Duterte na sumentro sa usapin ng maayos na kinabukasan para sa mga kabataan.