PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mar Roxas draws flak for being portrayed as typhoon Yolanda hero in campaign comics

Netizens hit Mar for allegedly revisioning his much-critiziced efforts during Yolanda tragedy.
Published | Updated Mar 28, 2016
<p>Netizens call out Mar for allegedly revisioning his much-criticized efforts during Yolanda tragedy.</p>

Tumanggap ng matinding pambabatikos ang kampo ni former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.

Kaugnay ito ng kumalat na komiks na naglalarawan ng diumano’y kabayanihan ni Mar noong kasagsagan ng Yolanda tragedy sa Tacloban noong 2013.

Ang naturang komiks ay may pamagat na “Sa Gitna Ng Unos” at may kalakip na subhead na nagsasabing “batay sa tunay na pangyayari.”

Base sa isang bahagi ng komiks, isang araw bago hinagupit ng bagyong Yolanda ang Tacloban ay naroon na raw sina Mar at Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Inilarawan dito kung paanong pinapasok ni Mar sa tinutuluyang hotel ang mga residenteng walang ibang masilungan.

Sabi pa sa narration ng comics, “Muntik-muntikan nang mapahamak si Mar.”

Kinabukasan ay mabilis umanong inaksyunan ni Mar ang mga pangangailangan ng mga biktima ng trahedya, pati na rin ang pagsasaayos ng airport upang makalapag ang mga eroplanong may dalang relief goods.  

Nabanggit din sa komiks kung paanong pinalaki diumano ng media ang “maikling pagtatalo at munting hindi pagkakaunawaan” nina Mar at Tacloban Mayor Alfred Romualdez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit kasabay ng pagkalat ng komiks na ito sa social media ay ikinagalit ng netizens ang diumano’y kasinungalingang nilalaman nito.

I don't know where the gall and temerity, the kabastusan of this matuwid-na-daan comes from, but apparently none of the...

Posted by Katrina Stuart Santiago on Sunday, March 27, 2016

Mayroon ding Tacloban-based writer na si Lottie Salarda na nagpahayag ng pagkadismaya sa komiks ni Mar.

I was there. Many survivors were there also. I was even present during the press conference where he said that there...

Posted by Lottie Salarda on Sunday, March 27, 2016

Samantala, nanindigan ang kampo ni Mar na totoong tinutukan nang husto ng dating DILG secretary ang pag-abot ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Sabi pa ng spokesman ni Mar na si Akbayan party-list representative Barry Gutierrez, “Ginawa ang comics ay gawa ng mga supporters na gustong ipaalam sa ating mga kababayan ang ginawa ni Mar sa Yolanda.

“Ginawa ito dahil sa patuloy na pagkalat ng kasinungalingan tungkol sa kanyang mga nagawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
#eleksyon2016
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Netizens call out Mar for allegedly revisioning his much-criticized efforts during Yolanda tragedy.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results