PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Estrada endorses Grace Poe's presidential bid

Erap vouches for Grace's competence to be the next president.
Published | Updated Mar 29, 2016
<p>Manila Mayor Joseph Estrada vouches for Senator Grace Poe's competence to be the next president. "Narito na po ngayong gabi ang isang taong may galing at puso. Isang Pilipino o Pilipina, anak, asawa, ina. Kaibigan ng lahat," said Mayor Erap during his

Pormal nang inendorso ni dating presidente at incumbent Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada si Senator Grace Poe sa presidential candidacy nito.

Ito ay matapos ng ilang buwang pananahimik ni Erap tungkol sa susuportahan niyang presidential candidate sa May 9 national elections

Sa kanyang proclamation rally sa Liwasang Bonifacio kahapon, March 28, ipinakilala ni Erap si Grace bilang isang “special guest more special than me.”

Sabi pa ng alkalde, “Ang aking kandidato bilang pangulo ay isang magiting na tao.

“Tulad ng kanyang ama, siya ay mahal ko rin at bahagi ng aking buhay.

“Kapwa kami naging artista ng tatay niya.”

Inihayag din ni Mayor Erap na itinuturing niyang tapat at matalik na kaibigan ang namayapang King of Philippine Movies at ama ng senadora na si Fernando Poe Jr.

“Ang tatay niya kumakandidato habang nakakulong ako sa Tanay.

“Sa pag-ikot ng tadhana, ang kanyang minamahal na anak ang nais magpatuloy ng kanyang mga ginawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Erap, buo ang kanyang suporta sa galing at puso ni Grace bilang presidential aspirant.

"Narito na po ngayong gabi ang isang taong may galing at puso.

“Isang Pilipino o Pilipina, anak, asawa, ina. Kaibigan ng lahat.

“At nakasama ko sa lahat ng aking laban bilang mayor, vice president at president. Hindi niya ako iniwan.”

Matagal din naging espekulasyon kung kaninong kandidatura nina Senator Poe at Vice President Jejomar Binay ang pipiliin ng alkalde.

Lalo pa’t si Binay ay itinuturing na kumpadre ni Erap. Inaanak ni Erap ang anak ni Binay na si dating Makati Mayor Junjun Binay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
#eleksyon2016
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Manila Mayor Joseph Estrada vouches for Senator Grace Poe's competence to be the next president. "Narito na po ngayong gabi ang isang taong may galing at puso. Isang Pilipino o Pilipina, anak, asawa, ina. Kaibigan ng lahat," said Mayor Erap during his
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results